Ex-U.S. Cardinal guilty sa sexual abuse
TINANGGAL sa pagka-pari si dating U.S. Cardinal Theodore McCarrick matapos masangkot sa kaliwa’t kanang akusasyon ng pang-aabusong seksuwal sa mga menor-de-edad at mga sakristan.
Ayon sa pahayag ng Vatican, guilty sa salang solicitation in the sacrament of confession and sins against the Sixth Commandment with minors and with adults, with the aggravating factor of the abuse of power si McCarrick.
Enero 11 ngayong taon nang ibaba ng panel ng Congregation for Doctrine of the Faith ang nasabing hatol kay McCarrick kung saan umapela ang akusado ngunit, ibinasura ito noong Pebrero 13 at ipinaalam dito ang hatol paglipas ng dalawang araw.
Inaprubahan ni Pope Francis ang nasabing aksiyon bilang “definitive” kung saan nangangahulugan ito na hindi puwedeng umapela ang akusado.
Dahil dito, inalis ang mga tungkulin at karapatan ni McCarrick na may kaugnayan sa pagiging pari, kabilang dito ang pagpapakilala bilang pari, pagsasagawa ng mga sakramento maliban sa paggawad ng absolution for sins sa taong mamamatay na.
Gayunman, nagsimula ang kaso sa reklamo ng isang lalaki na umano’y inabuso ni McCarrick noong ito ay menor-de-edad pa lamang na sakristan sa New York noong 1971.
Gayundin, lumantad ang isa pang menor-de-edad na umaming inabuso rin ng akusado noong ito ay 11-anyos pa lamang.
Bukod pa rito, ilang kalalakihan ang nagdiriin kay McCarrick sa sexual abuse na naganap noong sila ay mga seminarista pa lamang.
Si McCarrick ang itinuturing na pinakamataas na lider ng Simbahang-Karolika na inalis sa pagka-pari sa makabagong panahon.





Comments