top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

TV host, nang maglabas ng abs kasama ang K-Pop group… SIGAW NG FANS: BLACKPINK, SAPAW KAY ANNE!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2019
1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

VERY happy si Anne Curtis dahil aside sa pagka-fangirl niya sa BlackPink nu’ng mag-concert dito ang Korean girl group recently ay nataon din ito sa nalalapit niyang kaarawan.

After ng BlackPink concert ay nag-post ang It’s Showtime host ng kanilang pictures kasama ang BlackPink.

Agad na nag-viral ang naturang photos at mapagkakamalan pa ngang K-pop din si Anne sa kanyang attire. Hindi siya nagpahuli sa K-pop group, huh!

Agaw-attention nga ang abs ni Anne sa kanilang photo ng BlackPink kaya’t mara­ming humanga sa kanya.

“Nagsusumigaw po abs n’yo at lumevel sa kagandahan ng pinks.”

“Omg tumalbog sila kay anne @ibnrst swabe sa abs”

Samantala, kahapon sa It’s Showtime ay nag-celebrate si Anne ng kanyang birthday.

Nasorpresa ang Pinay-Aussie host-actress nang may special celebrity na bumati sa kanya.

Naglulundag si Anne sa tuwa nang ipinakita sa video na gini-greet siya ng isa pa niyang idol singer na si Dua Lipa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page