top of page
Pokwang.jpg

Pairalin mo raw ang kasabihang “slowly but surely”... OPORTUNIDAD NA MAGBUBUKAS SA LARANGAN NG PAGKA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2019
2 min read

SA career, negosyo at pangangalakal ngayong 2019, bukod sa maraming magagandang oportuni­dad ang magbubukas sa larangan ng pagkakaki­taan, mapupuno rin ng lakas at sigla ang buhay ng Baka upang matupad niya ang mga gawain at pro­yektong nakatambak noong nakara­ang taon.

Tunay ngang sa pagsasagawa ng mga naudlot na gawa­in, maraming tagumpay, pag-unlad at pag-asenso ang aanihin ng Baka ngayong 2019. Kaya habang nagpapakasipag ang Baka, palago nang palago at lalo pang dumarami ang laman ng kanyang kabang-yaman.

Dagdag pa rito, bukod sa regular na kini­kita, magkakaroon din ng karagdagang in­come ang Baka na hindi niya inaasahan at tulad ng nasabi na, lalong lalago ang kanyang kabu­hayan, kaya ngayong taon, magiging doble ang ipon niya.

Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, kung single ang Baka ngayong Year of the Pig, malamang na matagpuan na niya ang babae o lalaking magbibigay sa kanya ng sarap at ha­bambuhay na ligaya na tinatayang kung sino ang ma­kare­relasyon niya ngayong taon ay maa­aring ito na rin ang kanyang mapapa­ngasawa at maka­kasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Katugma ng Baka ang Daga, Ahas at Tandang kung saan sa sandaling ang isa sa mga ito ang kanyang ma­ka­tuluyan, may pangako ng maligaya at pangha­bambu­hay na pagmamahalan.

Likas namang magiging mapalad ang Baka mula sa ika-5 ng Mayo hanggang sa ika-5 ng Hunyo, mula sa ika-28 ng Agosto hanggang sa ika-28 ng Setyembre, mula sa ika-25 ng Nobyembre hanggang sa ika-28 ng Disyembre at mula sa ika-28 ng Disyembre hanggang sa ika-25 ng Enero.

Kung ikaw ay Baka na isinilang noong 1937 at 1997, ngayong 2019, husayan mo ang pag-aayos ng iyong oras dahil magiging sobrang busy ka kung saan sa ta­mang pagma-manage ng iyong oras at schedule na­kasalalay ang iyong ligaya at tagumpay.

Sa pagdedesisyon, hindi ka dapat magpabigla-bigla dahil sa marahas na desisyon, maaaring mapurnada ang lahat ng iyong plano, lalo na ang magagandang dis­karte mo na may kaugnayan sa pera at damdamin. Kaya sa anumang pag­papasya na gagawin mo, ang kasabihang “slowly but surely” ang paiiralin mo.

Kung ikaw ay Baka na isinilang noong 1949 at 2009, malalaki at biglang suwerte ang ipagkakaloob sa iyo ng langit ngayong Taon ng mga Baboy. May mga bagong kaibigan at dati ng kakilala kang babalik at tutulong sa iyo sa lahat ng iyong mga pangangailangan upang lalo ka pang lumigaya at magtagumpay.

Kung ikaw ay Baka na isinilang noong 1961, ang pagiging mahinahon ay dapat mong ugaliin dahil kapag nagpabigla-bigla ka o kaya ay naging ma­sungit at pa­lasigaw ka, ito ang magtutulak upang lumayo isa-isa ang magagan­dang kapalarang papalapit na sana sa iyong buhay. Kaya ang pinakama­ganda mong dapat gawin ay ang maging friendly, palangiti at masayahin. Sa gan­yang paraan, sasaya rin ang pag­pasok sa iyo ng suwerte at magan­dang kapa­laran ngayong 2019.

Kung ikaw ay Baka na isinilang noong 1973, may mga hindi pag­kaka­unawaang pampamilya ang magaga­nap na dapat mong solusyunan kaagad da­hil ito ay maka­sasagabal sa papalapit mong pag-asenso at pag-unlad. Kaya kung ka­unting bagay lamang ito, ikaw na ang unang magpakumbaba at magparaya.

Sa ganyang pag-uugali, wala kang kaaway o ka­tampuhan at may maganda kang pakikitungo sa iyong pamilya at kamag-anak, tiyak na isa-isa nang maglala­pitan sa iyong kapalaran ang suwerte at magagandang bagay na may kaugnayan sa salapi at pag-ibig ngayong 2019.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page