Mataas na ratings, 'di raw padding… SHOW NINA BOOBAY AT SUPER TEKLA, PALABAN KAY VICE


MASUWERTE ang comedian na si Boobay dahil naging malapit na kaibigan niya ang Primetime Queen na si Marian Rivera. Si Marian ang tumulong sa kanya noong siya ay nagkasakit nang malubha at naospital.
Sagad-sagaran kasi noon ang pagtatrabaho at pagpupuyat ni Boobay, na kinulang sa tulog at pahinga kaya bumigay ang katawan.
Lagare siya sa teyping, tapos rumaraket pa sa mga comedy bars para mag-show.
Mabuti at agad na naagapan at naisalba si Boobay sa tulong ng mga kaibigan, most especially Marian.
Napakalaki ng utang na loob na tinanaw ni Boobay sa wifey ni Dingdong Dantes na hindi nagkait sa kanya ng tulong. Kaya, ganu’n na lang ang pasasalamat ni Boobay nang mag-guest ang BFF niya last week sa The Boobay and Tekla Show. As always, very supportive sa kanya si Marian.
Samantala, masayang-masaya, pero may konting pressure para kina Boobay at Tekla ang naitalang mataas na rating ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) na hindi nadehado sa katapat na show ni Vice Ganda.
Consistent na mataas ang ratings ng TBATS at magsisilbi ‘yung malaking challenge para kina Boobay at Super Tekla. Walang padding at hindi fake news kundi base sa latest survey ang mataas na ratings ng The Boobay and Tekla Show na napapanood tuwing Linggo nang gabi pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.





Comments