Kaya nakatikim sa fans… RONNIE, 'DI KAYANG MAG-'I LOVE YOU' KAY LOISA
- BULGAR

- Feb 17, 2019
- 1 min read

NAKAKAALIW ‘yung dahil sa “143” comment ni Ronnie Alonte sa post ng girlfriend na si Loisa Andalio, may mga nag-react na netizens at pinuna kung bakit hindi niya masabi nang buo ang “I love you.”
Kung tutuusin ay maliit na bagay lang naman ‘yun and understandable rin dahil uso naman talaga sa mga posts ang shortcuts.
Pero sinagot pa rin naman ni Ronnie ang comment at nagpaliwanag. Aniya ay hindi naman doon nababase ang pagmamahal kundi sa gawa.
“Kahit mag-iloveyou ako ng napakarami ‘di du’n mababase ‘yun!
“Mag-iloveyou ka nga ‘di naman totoo wala din. Mas importante ang gawa kesa salita. Gets?” paliwanag ni Ronnie na mukhang iritado.
Sinuportahan naman ng mga LoiNie (tawag sa tambalang Loisa at Ronnie) fans ang komento ng Hashtags member at sey nga ng isa, may ibang love teams diyan na nagsasabi nga ng I love you sa isa’t isa pero for the sake of their careers lang naman.





Comments