top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | PEBRERO 17, 2019 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 17, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 17, 2019 (Linggo): Mala­laking suwerte ang nak­a­laan para sa iyo kaya ma­papansin mo na pina­ta­ta­tag at pinalalakas ka ng iyong kapalaran nang sa gayun ay hindi masa­yang ang mga suwerteng mapasasaiyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nababalutan ng maru­ming lupa ang gin­­to. Hanapin mo ang gi­nintuang aral ng buhay sa mga nangyayari sa iyo na hindi magaganda. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-20-21-26-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahi­rap paniwa­laan na ang malalaking suwerte ay biglang darapo sa buhay mo dahil sa mga pang­yayaring bumabalot sa kapalaran mo ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-7-10-11-16-24-39.

GEMINI (May 21- June 20) - Huwag kang manatili sa kalungkutan. Hindi ka nabuhay sa mundo para lang malungkot. Luma­bas ka ng bahay, ma­masyal at maglibang ka­sama ang iyong mga kai­bigan. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-6-18-20-21-28-33.

CANCER (June 21- July 22) - Nakasi­sira ng porma ang mabigat na kalooban, kaya matuto kang maglabas ng mga hinaing nang sa gayun ay lumuwag ang iyong mga dalahin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-14-23-38-41-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Pa­natilihin mo ang tatag ng iyong kaloo­ban sa harap ng mga ta­ong ang gusto ay pabag­sakin ka. Kapag nakita nilang hindi ka natiti­nag, susuko silang lahat. Ma­su­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-19-20-25-34-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masaya ang nag-iisa, pero mahirap din ang may kasama. Ngu­nit, ikonsidera mo ngayon ang pakikipagrelasyon para hindi ka maging sobrang seryoso sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-13-15-23-39-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ma­hi­rap baguhin ang takbo ng iyong kapalaran kapag ito ay hindi kagandahan. Ang payo ay nagsasabing bagu­hin mo ang iyong ugali na hindi maganda. Masu­werteng kulay-violet. Tips lotto-17-23-25-34-41-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Piliin mo ang taong pu­wede mong ma­­kasosyo sa negosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-20-21-27-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong isipin na mahihi­ra­pan kang abutin ang iyong malalaking panga­rap. Hindi mo man ito ma­ku­ha, tiyak na magiging ma­ganda pa rin ang iyong buhay. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-8-10-14-27-34-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinaha­nap ka ng mga suwerteng gus­to kang pasayahin. Kaya ang payo sa iyo ay mag­kunwari kang malungkot at walang-wala. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran ngayon. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-16-18-24-26-33-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Anumang araw, ang lung­kot ay puwe­deng manalo laban sa kaligayahan. Mahahadla­ngan mo ito sa pamama­gitan ng pagsusuot ng ma­kikislap na bagay, ga­yun­din ang pagkilos mo nang ma­­sigla. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-7-9-13-29-31-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maghangad ka dahil ang payo ng iba na huwag kang maghangad ay hindi maka­gaganda para sa iyo. Ang totoo, ang pag­hahangad ay susi sa pagpa­payaman. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-24-26-35-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page