Estudyanteng dehins knows kung ano ang magiging career sa future

Dear Roma,
Ako si Analyn, 19 years old at graduating ng senior high school. Gusto kong humingi ng payo sa inyo dahil hindi pa rin ako desidido sa kursong kukunin ko sa kolehiyo. Ayaw ko namang magdesisyon nang basta-basta dahil baka masayang lang ang pagpapaaral sa akin ng tita ko. Hanggang ngayon, hindi ako makapili kung Communication o Education ang kukunin kong kurso. Sana, mapayuhan ninyo ako. Thank you! — Analyn
Analyn,
Alam mo, iha, hindi mo kailangang magmadali sa pagpili ng kursong kukunin mo sa kolehiyo dahil malaking bagay ‘yan. Ang maipapayo namin sa iyo ay paglaanan mo ng oras at pag-isipan mong mabuti ang kurso na talagang gusto mo. Puwede ka namang mag-aral ulit kapag natapos mo na ang unang kursong mapipili mo. Kaya mo ‘yan, iha. Fight lang! Good luck!





Comments