Sobrang shocked! BARBIE, INIYAKAN ANG GINAWA SA KANYA NI JAK NU'NG V-DAY

Nitz Miralles / BIDA

PAREHONG masaya ang Valentine’s Day ng Kara Mia stars na sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz sa piling ng kani-kanilang boyfriend dahil pareho silang ipinagluto nina Jak Roberto (BF ni Barbie) at Nash Aguas (BF ni Mika).
Parehong sa bahay ng dalawa ang setting ng Valentine’s Day treat kina Barbie at Mika ng kani-kanilang BF. Sa video na in-upload nina Barbie at Jak, umiyak ang aktres at niyakap ang BF sa pagpasok sa bahay nang makita ang setup na ginawa nito, lalo na’t may dalang bouquet of roses si Jak.
Hindi lang makita kung tinupad ni Jak ang nabanggit na sinigang at bistek ang niluto niya para kay Barbie.
Steak at sinigang ang nakita namin sa mesa na inihain ni Nash kay Mika at nasa mesa rin ang korteng pusong flower arrangement na ginawa ni Nash at sunflowers na regalo niya kay Mika.
Sa Monday, may interview kina Barbie at Mika sina Nelson Canlas at Aubrey Carampel sa 24-Oras. Ikukuwento ng dalawa ang tuwa at hirap nila sa taping ng Kara Mia na matagal nang hinihintay ng mga viewers sa direction ni Dominic Zapata.





Comments