Kung dehins effective ang gamot ninyo, read n’yo ‘to! 5 PAGKAIN NA KERING MAKATANGGAL NG SIPON
No Problem

ACHOO! Sakit sa ulo ‘di ba? Perhuwisyo talaga ang pagkakaroon ng sipon dahil marami ang naaapektuhan nito tulad ng pagluluha ng mga mata at pagsakit ng ulo, pero kung bet ninyong malaman kung ano ang mga pagkain na epektib na panlaban sa sipon, narito at alamin natin:
1. TEA. Ang pag-inom ng tsaa ay nakatutulong sa pagpapaginhawa ng lalamunan. Ang iba’t ibang klase ng tsaa tulad ng black, white o green ay nagtataglay ng antioxidants na makatutulong sa paggaling ng ubo at sipon.
2. MGA PAGKAING MABABA SA SODIUM. Ang pagkonsumo ng pagkaing mataas sa sodium ay makapagdudulot ng hindi magandang epekto sa katawan tulad ng pagtaas ng blood pressure at iba pa. Ang mga pagkaing may mababang sodium ay apple, watermelon, carrot, broccoli at cucumber.
3. HONEY. May iba’t ibang benefits ang pagkonsumo ng honey, gayundin nakatatanggal ito ng mucus o plema sa baga at lalamunan.
4. GARLIC. Sa pag-aaral, sinasabing ang pagkain ng garlic ay epektibong paraan upang mawala ang ubo at sipon. Pinalalakas nito ang immune system at iniiwasan ang anumang impeksiyon mula sa virus at bacteria.
5. MGA PAGKAING MATAAS SA VITAMIN C. Nakatutulong ang Vitamin C sa pagpapalakas ng immune system ng katawan. Narito ang ilan sa mga pagkaing mataas sa nasabing bitamina: guava, orange, kiwi, papaya, broccoli, mango at tomato juice.
6.GINGER. Nakakatulong ito upang matanggal ang makakapal na mucus o plema mula sa respiratory system upang lumuwag ang paghinga ng taong may sakit.
7. MGA PAGKAING MATAAS SA PROTEIN. Ito ay dahil tinutulungan nitong palakasin ang immune system ng indibidwal. Ilan sa mga pagkaing mayaman sa protina ay itlog, isda at karne ng manok at baboy.
Oh, ayan, mga besh, ha? Make sure na hindi na kayo sisinghut-singhot diyan. He-he-he! Labanan ang sipon para sa mas maginhawang pakiramdam.
Copy?





Comments