top of page

Kaya make sure na handa kayo sa lahat ng oras... TIPS PARA PAGKATIWALAAN NG MAGULANG NG DYOWA

  • Justine Daguno
  • Feb 16, 2019
  • 2 min read

“SORRY, strict ang pa­rents ko”, for sure, marami sa atin ang pamilyar sa linyang ‘yan, lalo na ‘yung mga suki ng S.O. o “sec­ret on” relationship, ang la­kas ma­kabagets, ‘di ba? Sa totoo lang, ang pagpapakilala sa pa­milya, partikular ang mga ma­gulang ng mga dyowa natin ang isa sa pinaka-challenging na ma­gagawa natin. ‘Yung feeling na para tayong haharap sa mga pa­nel sa thesis, kailangan natin si­lang ma-impress kaya magba­baon talaga tayo ng maraming confidence! He-he-he!

Hindi bale, worry no more dahil mayroong ilang tips para ma-win natin hindi lang ang puso ng mahal natin kundi pati na rin ang approval ng parents nila:

1. LOOK PRESENTABLE. Hindi naman kailangang sobrang pormal, kum­baga, casual lang. ‘Yung simple, pero may effort pa rin. Sino bang ma­gulang ang gustong magkadyowa ang anak nila ng mukhang ewan? Hindi sa pang­huhusga, pero kasama ‘yan sa life. He-he-he!

2. DRESS FOR THE OCCA­­SION. Halimbawa, inimbita tayong magmer­yenda sa dessert place, siyempre, hindi natin ka­ilangang mag-gown o mag-amerikana. Iba­gay natin ang isusuot na­tin sa lugar o sa pag­kakataon kasi points din ‘yan. Huwag OA, ganern!

3. BE PROPER. Ibig sabihin, mag-observe tayo ng basic social manner, halimbawa, pagkatapos ng dinner at napa-burp tayo, simpleng “excuse me” lang ay good na. Kung kumakain tayo sa bahay natin nang nakataas ang mga paa, hindi natin ‘yan gagawin habang ka­sama sila. Hindi ‘yun pagpapanggap kundi pagbibigay ng respeto. Gets mo?

4. DON’T BE TOO SHY. Normal lang na paulanan tayo ng mga katanu­ngan sa pagkakataon na ipakikilala tayo. ‘Yung feeling na talo pa nila ang NBI sa pag-i-interrogate, hala, ultimo maliit na detalye sa sugat mo sa braso, eh, itata­nong pa sa iyo, kaloka! Pero, ganu’n ta­­laga basta dapat sagot lang nang sa­got, huwag tayong mahiya dahil part talaga ‘yan ng “pagkilala” nila.

5. TELL STORIES. Karamihan sa mga nanay o tatay, eh, mahilig magkuwento, lalo na ka­pag feeling close na kayo sa isa’t isa. Bilang dyowa ng anak nila, dapat mag-share rin tayo ng story na relatable sa topic. For sure, kapag nakuha natin ang interes nila ay magugustuhan din nila tayo ng bongga, minsan nga, parang mas anak nila tayo kaysa sa dyowa natin, eh. Ha-ha-ha!

6. BE FRIEND HIS SIBLINGS (IF HE HAS ANY). Tandaan na ang pakikipag-close sa mga kapatid ng BF/GF natin ang ating back-up plan. Tinatawag kasi silang “ultimate sulsol” kaya kung gusto nating mas maging winner sa pamilya ng dyowa natin, eh, gamitin natin ang lahat ng opportunity. Alam n’yo na, ha?

7. BE YOURSELF. Siguro naman alam mo na ‘yung cliché term na “just be yourself”? Alam mo, beshy, okay lang magpa-impress, pero dapat huwag tayong magpapakaplastik sa totoong pagkatao natin. Puwede tayong mag-adjust nang kaunti, pero huwag na huwag tayong magpe-pretend dahil mahirap ‘yan lusutan kapag nagkabukingan. Kung mahal natin ang BF/GF natin, da­pat maging honest tayo sa pamilya niya. Isa pa, wala namang bayad ang pagiging totoo sa sarili, kaya kering-keri natin ‘yan! Okay?

Hindi talaga madali ang makisama o magpakilala ng sarili para tumatak sa ibang tao, ‘yung simpleng “intro­duce yourself” nga lang, eh, kabado na tayo, paano pa kapag “meeting with the parents” na? Tandaan lang natin na dapat marunong tayong mag-adjust. Okay? Kayo ba ng dyowa mo, legal na ba kayo?

Well, good luck! Hi-hi-hi!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page