HOROSCOPE | PEBRERO 16, 2019 (Sabado)
- BULGAR

- Feb 16, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 16, 2019 (Sabado): Kakaiba ang ganda ng iyong kapalaran. May mga suwerte ka mula sa malayo, kaya hintayin mo ito at magpasalamat ka sa nasa itaas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang binigyan ng mayamang imahinasyon. Magagamit mo ito sa anumang layunin mo sa buhay. Gayunman, ang payo ay nagsasabing du’n ka sa lugar kung saan mas lalago pa ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-12-29-30-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Subukan mo muna ang nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Huwag mong kalilimutan na ang mabilisang pagmamahalan ay nauuwi rin sa kabiguan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-13-25-34-38.
GEMINI (May 21- June 20) - Magigising ka na nasa bagong mundo ka na kung saan nangako sa iyo ang langit ng tunay na kaligayahan, pero may kailangan ka pa ring gawin at ito ay ang kalimutan mo na ang nakaraan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-13-20-31-33.
CANCER (June 21- July 22) - Yakapin mo ang iyong kapalaran sa kasalukuyan. Huwag kang magbabago ng landas. Ang natatanaw mong maganda, sa totoo lang, pagsisisi lang ang iyong makukuha. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-18-27-36-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magiiba ang iyong tututukan ngayon dahil mas pahahalagahan mo ang pag-asenso. Ang payo sa iyo ay maging matalino ka sa larangan ng pagnenegosyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-16-19-21-28-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Napakahilig mong makipagdebate kahit ang sarili mo ay dinedebate mo rin. Ang maganda sa ganito ay nakadidiskubre ka ng magaganda at mapakikinabangang pormula tungo sa tagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-17-24-25-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo, huwag kang titigil. Kaya nagtatagumpay ang tao dahil sa pagsisikap at determinasyon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-22-27-30-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag nahihirapan ka, umayaw ka na. Hindi ka ipinanganak para magdusa. Huwag mong kalimutan na ang daliri kapag napaso ay umaatras at natututo sa kanyang naranasan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-18-25-26-34-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag dinagdagan mo ang iyong puhunan, bibilis ang iyong pagyaman. Ang ganitong pormula ay may kondisyon na magdaragdag lang kapag maganda ang takbo ng negosyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-16-20-23-32-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sikapin mong bumalik sa iyo ang nawala sa buhay mo. Gawin mo ito kapag nagkamali ka, pero kung hindi, ang payo ay nagsasabing tuluyan mo na itong ibaon sa limot. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-17-20-28-33-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magsayang ng oras sa mada-drama. Ang mas maganda ay ang makapiling mo ang mga masayahin at ang mahihilig maglakwatsa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-11-14-28-30-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gamitin mo ngayon ang kakayahan mong mag-utos. Kung sakaling sinunod mo ito, tiyak na ang buhay mo ay aasenso. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-20-22-26-39-40.




Comments