Baka Barbie ang paboritong toy… TISOY NA YOUNG ACTOR, FEELING SUPER-SIKAT NA, MAANGAS PA, MAMA'
- BULGAR

- Feb 16, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
Gumanda na ang career ng tisoy na young actor — na nagsimula bilang child actor — nang lumipat ng network. Pero, hanggang ngayon ay hindi matigil ang tsismis tungkol sa kanya ng mga dati niyang kasamahan sa iniwang network.
Una, may angas o attitude raw ang young actor at feeling big star agad kahit wala pa namang pruwebang maipagmamalaki at ramdam ito ng mga tao sa kanyang paligid.
Hindi pa nga siya ka-level nina John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Sam Milby o Gerald Anderson ay nagyayabang na raw ito.
Bale ba’y lihim nga siyang pinagtatawanan ng mga kasamahan niyang young actors dahil isa siyang dakilang ‘mama’s boy’. Laging nakasunod at nakabantay ang mudra ni young actor at lagi siyang pinupunasan ng pawis. At kapag kumakain na si young actor ay halos subuan pa ng kanyang mommy.
Dating may GF ang young actor na inayawan ng kanyang mom kaya nakipag-break siya sa young actress.
Kaya naman ang kanyang mga dating kasamahan sa inalisang network ay nagsasabing hindi sisikat nang husto ang young actor hangga’t hindi siya umaalis sa saya ng kanyang ina at hindi naaalis ang pagiging maangas niya.





Comments