14 estudyante, expelled dahil sa HIV
- Jersey Sanchez
- Feb 16, 2019
- 1 min read
PINATALSIK sa pampublikong paaralan ang 14 elementary students sa Indonesia.
Ito ay kasunod ng demand ng mga magulang ng ibang estudyante, headmaster ng paaralan at local group na tumutulong sa HIV-infected children.
Noong nakaraang linggo pa hindi pinayagang makapasok sa eskuwelahan ang naturang mga estudyante, ayon kay Karwi, headmaster ng Purwontomo Public Elementary School sa Solo, Central Java Province.
Gayunman, nag-aalala umano ang mga magulang na baka mahawa ang kanilang mga anak dahil hindi nakumbinse ang mga ito sa paliwanag ng eskuwelahan tungkol sa paraan kung paano nakahahawa ang naturang virus.
Nagbanta pa umano ang mga ito na ililipat sa ibang paaralan ang kanilang mga anak kung hindi ie-expel ang mga HIV-infected na estudyante.





Comments