This is it, Jodi! JOLO, IPINAGSIGAWAN NA ANG PAGMAMAHAL SA BAGONG GF

Nitz Miralles / BIDA

IPINOST na ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla ang picture nila ng GF niyang si Angelica Alita at isinabay sa Valentine’s Day kahapon.
“Angel, Happy Valentine’s Day! Totoong masaya ang puso ko ngayon because I have you in my life. You’ve been caring, loving and supportive to me. I love you and will always will.”
Sumagot si Angel ng “I love you handsome. Happy Heart’s Day.”
Sayang at hindi na sumagot si Jolo, waiting pa naman ang mga followers niya sa convo nila ng GF.
Nakakasama na ni Jolo at ng kanyang pamilya si Angel sa mga lakad nila, gaya noong birthday ng anak ng aktor na si Gab at pati pagpunta nila sa Camsur. Kaya, matagal nang kilala ng pamilya ni Jolo ang GF niya.





Comments