top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Para sa mga may dyowa, ka-M.U. o asawa riyan, read n’yo ‘to! TIPS PARA SA MAS MATIBAY NA RELASYON, A

  • Donna Thea Topacio
  • Feb 15, 2019
  • 1 min read

TAPOS na ang Araw ng mga Puso, pero wait, hindi ibig sabihin nito, eh, tapos na rin ang pagiging sweet mo. ‘Ika nga nila, ang pagdiriwang ng Valentine’s Day ay hindi lamang tuwing Pebrero 14 kundi dapat ay everyday. Kaya narito ang ilang bagay na dapat ginagawa sa relasyon kahit hindi Araw ng mga Puso:

1.CUDDLE. Yes, besh, dapat hindi ka lang tuwing Valentine’s Day nagkikipag-cuddle sa iyong partner dahil ang pangit nu’n tingnan, lalo na sa mga mata ng ibang tao. In short, pakitang-tao ka lang, ganern!

2. ACT SPEAKS LOUDER THAN WORDS. Sa totoo lang, importante rin ang pagsasabi ng “I love you” o “mahal kita”, pero mas importante ang pagpaparamdam kaysa sa sinasabi lang. Copy?

3. GIVE SOME PRE­SENTS. Huwag kang kuripot, lodi! Bukod sa Valentine’s Day, dapat ay nagbibigay ka rin ng re­galo kahit sa ordinar­yong araw nang sa gayun ay naipakikita mo ang iyong effort sa iyong asawa, GF o ni­liligawan. Naks!

4. BE KIND. Maging mabait sa lahat ng oras, hindi ‘yung tuwing February 14 ka lang mabait, pagkatapos sa mga susunod na araw, eh, mainitin na ‘yung ulo mo at palagi ka ng sumi­sigaw. Charot!

5. MAKE THEM FEEL LOVED. Make sure na palaging nararamdaman ng ating mga mahal sa buhay na minamahal natin sila, araw-araw. Huwag puro pangako at drawing, mga beshy!

‘Ika nga, “don’t do unto other, what you don’t want others do unto you”.

Kaya mga lodi, make sure na susundin ninyo ang mga tip na ito para mas tumibay at gumanda pa ang relasyon ninyo ni love, babe, hubby, wifey at hubby! He-he-he!

Love, love, love!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page