Mister, napagkakamalan pa ring anak niya… RESBAK NI AI AI SA MADLANG PIPOL: BOBO!
- BULGAR

- Feb 15, 2019
- 1 min read

HANGGANG ngayon, nakakatanggap pa rin pala ng pamba-bash si Ai Ai delas Alas mula sa ilang netizens dahil mas bata ang kanyang napangasawa.
Ai Ai is 54 whereas her husband Gerald Sibayan is only 25 years old.
Hindi nakapagpigil ang komedyana at sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, sinagot niya ang mga ito.
Fifty-eight monthsary pa naman nina Ai Ai at Gerald counting from the time na sila ay magkasintahan pa lang.
Ani Ai Ai as posted, “Du’n sa mga bashers na nagco-comment ng anak ko si Gerald jusko mag-move on na mag-isip naman kayo ng ibang bash ang lumaaaaaaaa!!!!!!
“ANG BOBONG COMMENT — isip naman ng bago — Millenial na o .. sumabay naman kayo sa bago!!!!!”
Pahabol pa ni Ai Ai, “Anyways HAPPY MONTHSARY NAK [laughter with tears emoji] ay KUYA PALA HEHEHE @gerald_sibayan.”





Comments