top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lumalang pang-aabuso sa mga bata, labanan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2019
1 min read

Anak, sex slave.

Utol, ni-rape.

Bata, minolestiya ng kapitbahay.

Menor-de-edad, ibinubugaw online.

Halos araw-araw ay may mga naiuulat na pang-aabusong seksuwal.

Ang biktima, mga paslit na walang kalaban-laban.

Kaugnay nito, umaapela sa publiko ang mga ahensiya ng gobyerno at non-government organization na bantayan ang mga bata laban sa mga pang-aabuso.

Batay sa tala ng grupong End Child Prostitution and Trafficking In­ternational, pang-apat ang Pilipinas sa siyam na pinakamaraming kaso ng mga batang nabibiktima ng prostitusyon.

Nasa 300,000 batang Pinoy ang pasok sa prostitusyon kung saan nasa 60% sa mga ito ang nabibiktima mismo ng kanilang mga magulang.

Sa tala naman ng mga grupong WeProtect Alliance at Inter-agency Council Against Child Pornography, 1 milyong imahe ng mga batang naaabuso sa pamamagitan ng child pornography ang nailabas ngayong taon.

Kasabay ng mga bagong teknolohiya, tumitindi ang banta sa kaligtasan ng mga bata, partikular sa isyu ng cyber pornography.

Hubad na larawan, malalaswang video, kapalit ng pera.

Kaya payo natin sa mga magulang, maging mapagmasid, ma­kialam at magsumbong alang-alang sa kapakanan ng mga anak at ng mga bata.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page