Kailangan daw na magkaroon ng harmony ang inyong pamilya... PANINIWALA NA MAKATUTULONG PARA MAGING M
- BULGAR

- Feb 15, 2019
- 2 min read

SA 12 animal signs na dumating sa palasyo ni Lord Buddha noong ipinatawag niya ang mga ito sinasabing ang Baka ang pinaka-conservative o makaluma.
Bukod sa makaluma ang estilo ng kanyang pamumuhay, ang Baka ay palaging sumusunod sa padron kung paano siya pinalaki ng kanyang pamilya. ‘Ika nga, “family oriented” ang Baka.
Kaya naman taglay ng Baka ang pagiging masikap at masipag dahil batid niyang sa ugaling ito ay mabibigyan niya ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya.
Ibig sabihin, sobrang mapagmahal at mapagpahalaga ang mga Baka sa kanyang pamilya, kaya ngayong 2019, nakadepende sa kalagayan ng kanyang pamilya ang magiging kapalaran ng Baka.
Kung saan kapag tahimik at may harmony sa kanilang tahanan, paniguradong maraming suwerte at magagandang kapalarang aanihin at makakamit ang Baka ngayong Taon ng mga Baboy.
Subalit, kung magulo ang set-up ng pamilya ng Baka, kumbaga, maraming intriga at problema, ito ang magiging pangunahing dahilan upang hindi lang ang kanilang pagsasama ang pumangit kundi magdudulot din ito ng negatibong kapalaran sa Baka ngayong 2019.
Kaya naman ang dapat gawin ng Baka upang umunlad, lumigaya at suwertehin siya ngayong taon ay ang panatilihin ang pagkakasundu-sundo ng kanyang pamilya.
Sa kabilang banda, kapag nagkaroon ng positibong kapaligiran at may harmony ang pamilya o tahanan ang Baka, tulad ng inaasahan, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang ibubuhos at ipagkakaloob sa kanya ng langit.
Samantala, kung ikaw naman ay Baka at nakikita mong magulo at walang harmony sa inyong tahanan, magmadali kang lumayo. Oo, huwag mo lang silang pansinin, sa halip, mag-concentrate ka sa dati mong ginagawa dahil ang kapalaran mo ngayong 2019 ay tulad sa buhay ng magsasaka, “magtanim ka lang muna nang magtanim dahil makalipas ang tatlong buwan, makikita mo, aani ka nang aani ng tagumpay at ligaya”.
Ano ang ibig sabihin nito? Simple lang, huwag kang magpapaapekto sa mga negatibong nangyayari sa inyong tahanan, bagkus, ituloy mo ang lahat ng bagay na iyong naiisip, halimbawa sa career ituloy mo lang ang pagpapaunlad nito habang sa negosyo naman, ituloy mo lang ang iyong mga plano at tuparin mo ang iyong gusto nang sa gayun tulad ng nasabi na, ang kapalaran mo ngayong taon ay maging masagana at hitik sa bunga.
Kaya kung ‘yung iba, eh, naghihintay ng ulan bago magtanim at nagdidilig pa upang may anihin, ang Baka ay kakaiba sapagkat ang langit ang nagtakdang magkaroon siya ng masagana, masaya at maunlad na kapalaran, gayundin ang kanyang pamilya.
(Itutuloy)




Comments