Hotel nasunog 17 patay
- Jersey Sanchez
- Feb 15, 2019
- 1 min read
NASAWI ang 17 katao matapos masunog ang budget hotel sa New Delhi, India.
Kabilang sa mga nasawi ang mag-ina na nagtangka pa umanong tumalon mula sa bintana ng naturang hotel.
Gayunman, 120 katao ang nasa loob ng Hotel Aprit Palace nang mangyari ang sunog ngunit, 35 katao ang nai-rescue.
Kilala ng mga turista ang naturang hotel dahil sa murang room rates at shopping mall sa loob nito.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog sa hotel na itinayo 25 taon na ang nakalilipas.
Nagpaabot na ng pakikiramay si India Prime Minister Narendra Modi sa pamilya ng mga biktima.





Comments