Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA RITWAL NG PAG-IBIG
- BULGAR

- Feb 15, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Pinky ng Pinky_Guenave @ facebook.com
Dear Señor,
Gusto kong humingi ng ritwal para sa aking love life dahil tulad ng iba, gusto ko ring magkaroon ng masayang relasyon.
Sana, pagbigyan ninyo ang kahilingan ko.
Naghihintay,
Pinky
Sa iyo Pinky,
Narito ang ipinamana sa amin ng lola ko na “Baul ng Lihim na Kaalaman”:
1. Alamin mo kung kailan ang susunod na full moon.
2. Tatlong araw bago ang full moon, maligo ka. Ang pagligo ay ‘yung tinatawag na “hard shower” kung saan linisin mo nang todo ang iyong buong katawan.
3. Pagkatapos mong maligo ay maglagay ka ng pabango sa katawan, piliin mo ‘yung paborito mong pabango. Hindi mahalaga kung mamahalin ito dahil walang kinalaman dito ang pera.
4. Tatlong araw mo itong gawin at kapag dumating na ang full moon, dapat ay nakaligo ka na at mabango.
5. Samantala, dapat mong masilayan ang liwanag ng buwan. Hindi mahalaga kung nasaan ka dahil ang mahalaga ay ang tumama sa iyo ang mahiwagang sinag ng kabilugan ng buwan.
6. Ibig sabihin, abangan mo ang mismong kabilugan ng buwan at huwag mong kalilimutang tumingala at pagmasdan ang kagandahan nito.
7. Habang pinagmamasdan mo ang bilog na buwan, sabihin mo kung ano ang iyong mga kahilingan. Dapat mong masabi ang lahat ng gusto mong sabihin dahil mayroon ka lamang pitong minuto para masabi ang lahat ng ito.
8. Kaya, ngayon pa lang ay pagpraktisan mo na ang pagsasabi ng mga request mo sa buwan.
9. Kung ang gusto mo ay maayos ang lovelife mo dahil magulo o hindi ka maligaya, ito mismo ang hilingin mo.
10. Kung ang gusto mo naman ay bagong love life, ito ang i-request mo.
11. Sa ganitong paraan din hinihiling kung gusto mong dumating na ang iyong soulmate.
12. Ito rin ang pinakamabisang ritwal kung paano mapatitino ang partner, asawa o karelasyon.
Ang nasa itaas na ritwal ay batay sa mismong sinabi ni God na nakasulat sa Sagradong Aklat na, “ang buwan ay nilikha para magbigay ng liwanag sa panahon ng kadiliman”.
Sinasabing walang liwanag ang buhay ng tao kapag ang kanyang love life ay hindi masaya.
Kaya si God ang ating pakinggan at muli, ayon kay God, ang buwan ang panggagalingan ng ating tunay na kaligayahan sa madilim na bahagi ng ating love life.
Good luck and God bless!




Comments