Pinagpipiyestahan sa Korea… BREAKUP NINA OH YEON SEO AND KIM BUM, KINUMPIRMA NA!
- Lee Vin Nia
- Feb 14, 2019
- 1 min read

ANG latest na pinagpipistahan ngayon sa entertainment scene sa South Korea ay ang breakup nina Oh Yeon Seo and Kim Bum. Lumutang ang balita kahapon at kinumpirma naman agad ng kani-kanilang agencies.
Ayon sa source mula sa King Kong by Starship na agency ni Kim Bum, “Kim Bum and Oh Yeon Seo decided to end their relationship late last year.”
Ayon naman sa agency ni Oh Yeon Seo na Celltrion Entertainment, “It’s true that the two have ended their relationship. We cannot give the reason as that infringes on the actor’s personal privacy.”
Marso ng nakaraang taon nang kumpirmahin din ng kani-kanilang agencies na nagde-date ang dalawa.
Ayon sa balita, naging close sila after the ending of tvN’s Hwayugi/A Korean Odyssey kung saan ay leading lady ni Lee Seung Gi si Oh Yeon Seo.
Si Kim Bum naman ay matatandaang naging isa sa bida ng sikat na K-drama na Boys Over Flowers with Lee Min Ho. Nagpunta na siya rito sa Pilipinas at gumawa ng commercial with Maja Salvador.





Comments