top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Nag-amok at nagtangkang managa, tiklo

Pabs Hernandez III
Feb 14, 2019
1 min read

ILOCOS NORTE—Isang lalaking nag-amok at nagtangkang tumaga sa isang laborer ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Bacsil South, Laoag City sa lalawigang ito.

Kinilala ang suspek na si Elector Colobang, nakatira sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, naglalakad si Teddy Runuen patungo sa farm nang biglang sumulpot ang nagwawalang si Colobang na armado ng itak at sa hindi malamang dahilan ay tinangka nitong tagain ang biktima.

Agad humingi ng saklolo sa pulisya si Runuen kaya nadakip ang suspek na nahaharap sa mga kaukulang kaso.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page