Ilang araw bago ang halalan | 2 ELECTION OFFICES, SINUNOG
PATULOY pang inaalam ng awtoridad sa Nigeria kung sino ang responsable sa likod ng pagsunog sa dalawang Nigerian electoral commission offices.
Mahigit 10,000 permanent voters’ card at 755 ballot boxes ang nasira sa sunog sa Abia at Plateau States, ayon sa Independent Electoral Commission sa bansa.
Gayunman, tiniyak ng gobyerno na matutuloy ang halalan sa darating na Sabado.
Samantala, ayon kay Nigerian President Muhammadu Buhari, may mga corrupt politician na nagbabalak gumamit ng laundered funds para makabili ng boto sa darating na halalan.





Comments