Nabulgar! DAWN, TINUHOG ANG MAG-BFF NA SINA MONSOUR AT ANTON


NANALONG congressman ng Makati si Monsour del Rosario noong 2016 elections. Unang termino pa lamang niya ito.
Kaya naman, marami ang nagulat kung bakit nagdesisyon siyang tumakbo bilang vice-mayor sa darating na eleksiyon sa Mayo.
Dahilan niya, “Tumakbo si Vice-President Jojo Binay sa district ko as congressman, eh.”
Ayaw niya itong kalabanin dahil malapit siya sa pamilya Binay.
Nasa partido ni Pangulong Rodrigo Duterte si Monsour at ang makakalaban niya ay si Monique Lagdameo na incumbent vice-mayor ng Makati at first cousin ni Anton Lagdameo.
Si Anton ay asawa ng aktres na si Dawn Zulueta na noon ay nakarelasyon ni Monsour.
Kaya, tinanong namin si Monsour kung ano ang pakiramdam na ang makakalaban niya sa pagka-bise-alkalde ng Makati ay pinsan ng mister ni Dawn?
Aniya, “Okay lang! Kasi si Anton, saka si Dawn, wala namang problema kasi ako naman ang nagpakilala sa kanila, eh!
“Si Anton, grade seven pa lang, kilala ko na. Fourth year high school ako, tapos nag-aral sa Amerika ‘yan.
“Tapos, pag-uwi niya, sabi niya, ‘Kuya Mon, ‘yung ex-girlfriend mo, puwede kong ligawan?’ Walang problema sa amin.
“‘Yung dalawang anak nila, estudyante ko sa taekwondo,” pagtatapat niya.
Nakasama namin si Monsour sa pag-iikot nito sa District 2 ng Makati last Sunday (February 10). Umakyat din ang future vice-mayor ng Makati kasama ang asawang si Joey Zapanta sa lahat ng palapag ng OsMak (Ospital ng Makati) para mamigay ng Valentine gift na unan sa mga pasyente.
Nakita namin kung paano sinalubong ng mga tao si Monsour. Masaya ang aktor-pulitiko sa pagtanggap ng mga tao sa kanyang nasasakupang distrito sa Makati.
Sabi nga raw ng karamihan, sure win na siya dahil popular saanman umikot.
Sa mga positive feedback na kanyang natatanggap, “Nice to win because people like you. I don’t like to serve people who don’t like you to serve them. I’d rather lose,” mariin niyang bitaw.
Si Monsour mismo ang nakakita kung paano siya kasabikan ng mga tao.
“Masaya dahil paglabas mo, lahat halos lumalapit sa ‘yo,” sey pa niya.





Comments