top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga trapo, mas gustong iboto, 'pag nanalo, mga 'bobotante' nganga na, ngawa pa!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 13, 2019
  • 1 min read

PIYESTA NG MGA TRAPO—Nagmistulang piyesta ng mga traditional politician (trapo) ang nangyari kahapon kasi nag-start na sa pangangampanya ang mga kandidato sa pagka-senador.

Ang saya ng mga trapo habang binoboladas sa publiko ang kanilang mga pangako at ang kanilang mga supporter naman, eh, masaya rin, hiyawan at palakpakan sa pangako ng mga trapo.

Ang nakalulungkot, kapag trapo ang naluklok sa poder, paniguradong pagpipiyestahan ding nakawin ng mga ito ang pera ng bayan para mabawi nila ang nagastos sa eleksiyon at ang mga botante, maiiwan na lang na mga “nakanganga”, hu-hu-hu!

◘◘◘

MAS TYPE NG MGA ‘BOBOTANTE’ ANG MGA TRAPO KAYSA SA MGA KANDIDATONG ‘KSP’— Hindi naman lahat ng kandidato sa pagka-senador ay mga trapo dahil mayroon ding mga kandidato na ang hangarin ay maglingkod ng tapat sa bayan at totoong magserbisyo sa publiko.

Ang problema nga lang, ‘KSP” o kulang sa pansin ang mga kandidatong hindi trapo. ‘KSP’ sila sa publiko dahil hindi sila kilala at wala silang gaanong perang panggastos sa kanilang kandidatura.

‘Yan ang problema sa mga “bobotante”, mas gusto nila ang mga trapo kaysa mga kandidatong KSP, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

PIYESTA NG MGA ILIGALISTA SA BULACAN—Naglatag na ng puwestong color games at drop balls sina “Mike” sa San Jose del Monte City, “Tomas” sa Malhacan, Meycauayan; “Tisoy” sa Siling-Bata, Pandi; “Myrna” sa Masagana, Pandi; “Aling Fe” sa Abulalas, Hagonoy,” “Freddie” sa Poblacion, Bustos; “Ely” at “Bonjing” sa Angat, pawang sa Bulacan.

Kung ganu’n, hindi lang pala panahon ng piyesta ng mga trapo ngayon kundi piyesta na rin ng mga iligalista sa jurisdiction ni Bulacan PD Sr. Supt. Chito Bersaluna, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page