May favorite raw siya, Luis… EDU, AMINADONG 'DI PANTAY-PANTAY ANG TINGIN SA MGA ANAK
- BULGAR

- Feb 13, 2019
- 3 min read

DOG lover din pala si Edu Manzano. Nasa 11 na ang aso niya ngayon sa kanyang bahay sa San Juan. Karamihan sa kanila ay alaga ng kanyang mga anak.
Hindi raw maiaalis na magkaroon din siya ng paborito among his dogs tulad din sa mga anak. Aminado si Edu na nakikita rin daw ng ibang alaga niyang aso ang pagkakaroon niya ng paborito among them.
“Ang pets, parang human being din ‘yan, eh, nagseselos, nagtatampo. Makikita mo ang translation sa pagkawala ng ganang kumain. So, ako, natutuwa ako because mas nagiging sensitive ako sa pangangailangan ng pets. I feel all pet owners should be sensitive to their pets,” pahayag ni Edu nu’ng makausap namin siya sa advance birthday party with the entertainment press ni former Senator Jinggoy Estrada.
Sa mga aso pa lang daw niya, kita na kung gaano magmahal at mag-alaga si Edu. Kaya malamang, mabait din daw siyang lolo sa kanyang mga magiging apo.
“I don’t know,” sambit ni Edu. “Sometimes, sinasabi nila ‘pag nakita mo ang detriment ng pets mo, it says what kind of a human being you are.”
Tinanong namin si Edu kung gusto na rin ba niyang magkaroon ng apo sa panganay niyang anak na si Luis Manzano gaya ni Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto?
“Ako, nasa kanila ‘yun. I believe in ano, when they feel the time is right, sila ang magdedesisyon.”
Speaking of Congw. Vilma, kapag nanalo si Edu bilang congressman ng San Juan this coming election, magkakasama na ulit sila ng ina ni Luis sa isang bahay — ang House of Representatives.
“Oo, kung pareho kaming susuwertehin,” sabi ni Edu.
Posible rin na maging tandem sila ni Congw. Vi sa ilang committees at pagpapasa ng mga batas sa Congress.
“I’m sure meron kaming shared interests. Isa ru’n ay ang kapakanan ng industriya at lahat ng mga industry workers. And I’m sure ‘yung iba d’yan katulad nina Yul Servo, Alfred Vargas at lahat ng makakatulong.”
Tanong ulit namin kay Edu, puwede rin kaya silang mag-tandem ni Congw. Vi na i-push na magkaapo na kay Luis?
“No, I think, well, we have so much trust on Luis at sa kanyang mga choices. Hindi namin kailangang i-guide pa siya. But I think, I have to agree with Manay (Ethel Ramos). Importante talaga ‘yung ano, national. Pero unti-unti, we will call symposiums in the beginning, para lang to get everybody’s opinion,” na ang tinutukoy niya ay para sa mga kapwa nila artista na makakasama nila sa Congress, if ever.
Sa past interviews namin kay Congw. Vi, nabanggit din sa kanya ang possibility na maging Speaker of the House gaya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
“Ako ang magiging Speaker of the House,” sabi ni Edu na sinundan ng… “No, I’m kidding. ‘Yun lang ang ginagamit kong peg ngayon. May nagsasabi nga sa akin, ‘Edu, bakit mula presidente ka sa Ang Probinsyano, congressman ka ngayon?’ Sabi ko, ‘PGMA nga ‘yung peg ko ngayon, eh.’ But kidding aside, kailangan, may solid block talaga ang industriya.”
Clueless pa raw siya kung paano siya mawawala sa Ang Probinsyano — nu’ng time na kausap namin siya sa party ni Sen. Jinggoy — kapag nagsimula na ang pag-ban sa mga artistang tatakbo for local post this coming election.
“Hindi namin alam kung saan dadalhin ‘yung istorya, eh, because number one, marami kasi ang kakandidato. Hindi puwedeng sabay-sabay silang mawawala.”
Nauna nang nawala sa action serye ni Coco Martin si Lito Lapid na tatakbong senador. Namatay na siya sa Ang Probinsyano last Monday.
“Sino ang susunod na president sa Ang Probinsyano? ‘Yun nga, hindi ko alam, eh. O babalik si Rowell (Santiago) o kaya si John (Arcilla). May ganu’n din, eh. May ganu’ng klaseng ano na pati ako, tatraydurin.”
Hindi lang namin sure kung iimbitahin ni Edu si Coco to campaign for him sa San Juan bilang congressman.
“Actually, hindi ko siya nakakaeksena. Pero you know, kung saan niya dinadala ‘yung istorya, kasama ‘yung mga scriptwriters, eh, kami tuloy ang mga nag-inherit. So, we’re grateful dahil lahat kami, hindi lang sarili niya, binibigyan niya ng importansiya,” paliwanag ni Edu.





Comments