top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Baha at malakas na alon

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 13, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Aileen ng Ai­leenAgustin@facebook. com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng nanaginip ng baha at ma­lakas na alon, tapos, bigla ring humupa ang baha?

Salamat!

Naghihintay,

Aileen

Sa iyo Aileen,

May ipakikilala ako sa iyo, ang tawag sa kanya ay “ang pinakadakilang manu­nulat” sa buong mundo. Sa katunayan, hanggang nga­yon ay siya pa rin ang may hawak ng nasabing titulo.

Maraming magagaling na manunulat at hindi na mabilang ang mga lumikha ng mga obra-maestra sa lite­ratura.

Halos araw-araw ay na­daragdagan ang mga hina­hangaan sa mundo ng pag­sulat. Pero, alam nila na may­roong manunulat na kakaiba at pinakamagaling.

‘Yun ay si William Shakes­peare, siya ang pinakama­galing sa mundo ng litera­tura dahil ang kanyang mga obra-maestra ay makatoto­hanan, kumbaga, walang ka­matayan ang kanyang mga isinulat dahil ang mga ito ay katotohanan tungkol sa buhay ng mga tao.

Ganito ang sinabi ni Mr. Shakespeare: “In a wo­man life, there is a tide like flood which when taken leads to fortune and success.”

Sabi nga, sa buhay ng babae, mayroong matinding problema tulad ng ruma­ragasang baha. Nakatatakot, ‘di ba?

Oo, nakatatakot, pero ang sabi ni Mr. Shakespeare: “When taken it leads to for­tune and success,”

Ito mismo ang baha at malakas na alon sa panagi­nip mo, Aileen. Lahat ng ba­bae, tulad ng nasabi na ay may ma­lakas na alon ng bu­hay na parang baha na na­kamamatay.

‘Yung iba kahit nakita pa lang ang paparating na malakas na alon ay umiiwas na. Hindi naman natin sila masisisi dahil sino ba ang hindi matatakot sa mala-‘Yo­landang’ daluyong ng alon?

Pero, alam mo ba na si­lang mga naduwag at pi­nang­­hinaan ng loob ay na­pa­bilang sa mga bigo sa buhay?

Kaya, Aileen, oo mata­kot ka dahil tulad ng nasabi na, lahat ay matatakot sa baha na malakas ang alon, pero ang payo sa iyo ay nag­sasabing kahit na natatakot ka ay sakyan mo pa rin ang agos ng iyong kapalaran.

Bakit? Dahil ito mismo ang magbibigay sa iyo ng successful and fortunate life.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page