top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Malinaw ayon sa palad... MISIS NA NAKATAKDANG BALIKAN NG ASAWA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. Nagkahiwalay kami ng asawa ko, kaya itata­nong ko kung mag­ka­kabalikan pa kami?

  2. Ano ang dapat kong gawin upang ma­pabalik ko siya para sa kapaka­nan ng aming mga anak?

  3. Kung hindi na siya babalik, may gu­hit ba sa aking mga palad na ako ay mu­ling makapag-aasawa kahit ngayon ay 46 years old na ako?

KASAGUTAN

  1. Bagama’t, da­lawa ang namataang Mar­riage Line (Drawing A. at B. 1-M at 2-M arrow a. at b.) sa ka­liwa at kanan mong palad, kapansin-pansing halos magka­sing­haba ito, pareho ng kapal at halos magkalapit pa ang nasa­bing dala­wang guhit ng Marriage Line (arrow a. at b.).

  2. Ibig sabihin, posib­leng ang ikalawang Mar­riage Line (2-M arrow b.) ay ang dati mo ring asawa na pagkatapos mamba­bae at makipaghiwalay sa iyo, sa bandang huli ay magpapasya rin siyang umuwi at bumalik sa in­yong tahanan upang min­san pa ay muli niyang bu­uin ang inyong pamilya.

  3. Ang pag-aanali­sang napakalaki pa ng tsansa na kayo ay magkaka­ba­likan ay madali namang kinumpirma ng tugma ninyong zodiac sign na Aquarius at Libra kung saan ang mga ito ay may iisang elementong tina­taglay — ang elemen­tong air o hangin, kaya naman sadyang compa­tible sila.

  4. Ibig sabihin, mag­kahiwalay man kayong mag-asawa, darating ang saktong panahon na kayo ay magkakabalikan din na madaling kinumpirma ng birth date mong 3 na compatible sa birth date na 15 o 6 (1+5=6) ng iyong mister kung saan sa san­daling bumalik ang mister mong may birth date na 15 o 6 sa inyong tahanan at humingi siya sa iyo ng sorry, wala kang dapat ga­win kundi ang patawarin at muli siyang tanggapin upang tulad ng nasabi na, darating ang eksaktong panahong muling mabu­buo at magiging maligaya ang inyong pamilya na ka­agad namang kinum­pir­ma at pinatunayan ng ma­ganda at suwabeng-su­wa­beng Heart Line (Dra­wing A. at B. h-h arrow c.) na hindi naputol at wa­lang bilog sa kaliwa at ka­nan mong palad. Tan­da na wala kang gaanong mararanasang kabiguan, kalungkutan at pag-iisa, kaya sa malapit na hina­harap, hindi na mai­iwasan pang muling ma­bubuo at magiging ma­ligaya ang inyong pamilya.

DAPAT GAWIN

Marife, panahon na upang pawiin mo ang iyong kalungkutan sa­pagkat ayon sa iyong mga datos, ngayong 2019, hin­di na magtatagal sa bu­wan ng Marso o kaya ay Abril, itinakda na ng la­ngit ang magaganap, wa­lang anu-ano, biglang u­uwi sa inyong tahanan ang iyong asawang min­sang naligaw ng landas upang humingi sa iyo ng kapa­tawaran at buuing muli ang inyong relasyon na tuluy-tuloy na ngang ha­hantong sa isang masaya at panghabambuhay na pamilya (Drawing A. at B. 1-M at 2-M arrow a. at b.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page