Ex-chairman tiklo sa 4 boga
ISABELA—Isang dating barangay chairman ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng apat na baril at mga bala sa loob ng kanyang bahay, kamakalawa sa Bgy. San Antonio, Roxas sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si ex-Chairman Demetrio Galvez, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant ang bahay ni Galvez at dito nakumpiska ang apat na baril at mga bala.
Nakapiit na si Galvez na nahaharap sa kasong paglabag sa election gun ban at 4-counts of illegal possession of firearms.





Comments