Kaya 'di raw sumisikat ang anak mo, Piolo… HIRIT NG NETIZEN: IÑIGO, PABAYA NA SA HITSURA, WALA
- BULGAR

- Feb 11, 2019
- 3 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

IPINAGTANGGOL naman ng singer na si KZ Tandingan ang young actor na si Iñigo Pascual mula sa isang netizen na pinuna ang kakayahan ng anak ni Piolo Pascual bilang artist, maging ang hitsura nito.
Ipinost ng Star Music executive na si Roxy Liquigan noong Sabado (February 9) ang guesting appearance ni Iñigo kasama ang American singer na si Alex Aiono sa isang international digital radio broadcasting station na Dash Radio.
Sa comment section ay pinuri ni KZ si Iñigo at sinabing isa itong milestone para sa mga Filipino artists.
Ani KZ, “Congratulations brother!!!! REACHING MILESTONES NO OTHER FILIPINO ARTISTS HAVE REACHED!! Soo proud of you!!”
Sa puntong ito, may isang netizen na may account name na @natportalie ang sumagot sa comment ni KZ at ipinarating ang mga napuna niya kay Iñigo.
Ayon sa basher, sa kabila ng pagkakaroon ni Iñigo ng pagkakataon na maka-collab ang mga international singers ay iniiwan naman diumano ito ng kanyang mga fans at lumilipat sa ibang mas guwapong male artist.
Bukod dito, sinabi rin ng basher na hindi nag-i-improve si Iñigo bilang artist dahil hindi ito umaalis sa kanyang comfort zone at hindi man lang daw inaayos ng singer ang kanyang appearance.
Aniya, “Paano magiging successful ‘yang si Iñigo kung lagi lang siyang nasa comfort zone niya, ‘di siya nag-i-improve. Artista siya pero ‘di man lang nag-e-effort ayusin ang appearance, kung anu-ano pinaggagawa sa buhok.”
Dagdag pa niya, “Yes he can sing pero ‘di naman siya versatile katulad mo at ng ibang male singer na kaya kahit ano’ng kanta. Siya, ‘di naman niya kayang kumanta ng matataas na kanta.”
Hindi pa ru’n natapos ang pamumuna ng netizen dahil sinabi rin nitong wala nang paki ang mga fans ni Iñigo sa singer at tanging MarNigo (mga fans nila ng kanyang ka-love team na si Maris Racal) na lang ang sumusuporta sa kanyang mga projects at shows.
Sa puntong ito ay ikinumpara ng netizen si Iñigo sa ibang mga artista tulad nina Donny Pangilinan, Edward Barber, James Reid, Enrique Gil at Daniel Padilla at nakiusap kay KZ na payuhan si Iñigo na mag-explore bilang isang artist dahil mapag-iiwanan daw ito kung wala siyang gagawin para i-improve ang kanyang looks.
“I’m not saying those stuff to Iñigo to bash him. I’m just saying what is truth. That’s the fact people are not interested to him anymore even his fans because he’s not trying his best to have growth in showbizness,” pagtatapos ng netizen.
Pagkatapos ng sunud-sunod na comments ng netizen ay sumagot si KZ at sinabing sa kabila ng mga pamumuna kay Iñigo ay fan pa rin siya ng young actor-singer.
“Hi. Your opinion is your opinion. I respect that. Pero what you say isn’t The truth, it is Your Truth. The real fact is, He is his own person, let’s not compare him to others.
“He has achieved so much at such a young age, even achieved more than some of the artists who have been in this business before him. Growth doesn’t just mean changing your looks, growth is more successful when it is mental, emotional and spiritual growth.
“Growth doesn’t just happen in a day or a month, growth is a continuous process till we die.
“His REAL fans (myself included) will always be supportive of whatever he decides to do, as long as he is happy.
“The reason why we love him is because his beauty isn’t based on how his hair looks, we love him because his beauty is skin deep. If you can’t respect that, then okay lang. God bless you! Have a nice day!” ang naging mahabang sagot ni KZ sa netizen.
Samantala, kilala si Iñigo na mahilig sumagot sa mga bashers, ngunit hindi na siya nakisali sa comment thread na ito.





Comments