top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bago magsimula ang national level campaign | Paalala ng Comelec: Pangalan at mukha ng mga kandidato,

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 11, 2019
  • 2 min read

PUSPUSAN na ang paghahanda ng ilang mga kandidatong tatakbo sa nalala­pit na ha­lalan at kasabay nito ay pina­alala­hanan din sila ng Commission on Elections (Comelec) na dapat ma­tang­gal o mabaklas na nila ang mga nag­kalat na campaign materials na kani­lang ginamit para makuha ang simpatiya ng mga bo­tante sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bukas, Pebrero 12, ang opisyal na pag­­sisimula ng pangangampanya sa na­tio­nal level at kapag nagsimula na ito, ang mga gina­mit nila sa pangangam­panya na nagkalat sa lan­sangan ay maitu­turing ng iligal.

Gayunman, dapat sumunod sa direk­tiba ng ahensiya ang mga pulitiko at supporter ng mga ito nang sa gayun ay hindi sila maireklamo ng election offense na makaaapekto sa kanilang pagtakbo sa darating na eleksiyon sa Mayo.

Ayon sa Comelec, sinulatan na umano nila ang mga kandidato hinggil dito, bagama’t, hin­di na nila inaasahan ang pormal na pagsagot ng mga ito, umaasa sila na hindi magbibingi-bingihan ang mga kandidato kung saan susundin kung ano ang kanilang iniutos dahil para rin naman ito sa kanila.

Matatandaang, noon ay malaya ang mga kandidato na ipaskil ang kanilang mukha at pangalan kung saan-saan at kahit halata namang premature cam­paigning, eh, wala pa ring nagbabawal, pero ngayong nagsalita na ang Comelec, sana naman wala ng ‘epal’.

Samantala, kung may mga hindi tata­lima sa nasabing kautusan, sana ay hindi tayo ma­lusutan at malinlang, dapat ay may parusa o multa rin silang dapat pag­bayaran, kung ma­tigas naman ang ulo ng kandidato, puwedeng i-disqualified na lang. Joke! He-he-he!

Sa totoo lang, simpleng patakaran lang ‘yan, kaya sunud-sunod din ‘pag may time!

Huwag maging ‘epalitiko’ dahil ang kaila­ngan ng mga tao ay ‘yung may magagawang maganda sa gobyerno!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page