Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA TAMANG EDAD NG PAG-AASAWA
- BULGAR

- Feb 11, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Ronald ng Ronald_The LonelyBoy@facebook. com
Dear Señor,
25 years old na ako, pero wala pa rin akong girlfriend.
Sa totoo lang, naiinggit ako sa ibang kalalakihan, lalo na kapag nakikita kong may girlfriend sila, tapos, ako wala!
Sana, matulungan ninyo ako. January 2, 1994 ang birthday ko.
Naghihintay,
Ronald
Sa iyo Ronald,
Naku, huwag kang mainggit kapag nakikita mo ang ibang lalaki sa tuwing kasama nila ang kani-kanilang GF dahil hindi naman magtatagal ang kanilang relasyon.
Alam mo, iho, ang pagmamahalan ng dalawang bata pa ay hindi panghabambuhay.
Maaaring hindi ka maniwala, pero kung susuriin mo ang kasaysayan ng pagmamahalan ng dalawang bata, makikitang hindi nila nakatuluyan ang isa’t isa.
Bakit? Dahil sa batas ng kapalaran, bawal magmahalan ang dalawang bata pa at dahil ang batas na ito ay puwedeng labagin, may makikita kang mga kabataan na maagang nag-asawa.
Oo, puwedeng lumabag sa anumang batas, pero may parusa at ang pangkaraniwang parusa sa mga nag-asawa nang maaga ay “magkakahiwalay sila”, kumbaga, sa huli, ang mananalo ay ang batas ng kapalaran na bawal ang mag-asawa ng bata.
May pagkakataong pinipilit pa rin nilang magsama dahil sa utos ng kanilang mga magulang at social status ng pamliya at iba pang dahilan na dapat ay huwag silang maghiwalay.
Sa ganu’ng kalagayan, ano ang hatol ng kapalaran?
Ano pa nga ba? Marami sa mga kabataang ito ang nakagagawa ng kamalian, halimbawa, may iba silang nagugustuhan.
Nakaiinggit ba ang ganyan, Ronald? Hindi, ‘di ba? Ang totoo nga dahil sa masaklap na katotohanang nagsasama na sila sa hindi na magandang kalagayan, silang dalawa ay lihim na nagsasabi sa kanilang sarili na “dapat pala ay hindi muna ako nag-asawa”.
Kaya nga kung mababasa nila ang email mong ito, sure na sure na sila pa ang maiinggit sa iyo.
Dahil dito, ang payo sa iyo ay ligawan mo ang mga babaeng nasa edad 30 pataas dahil sila ang mga handa ng mag-settle down.
Good luck and God bless!




Comments