top of page

Tulad ng hotdog, corned beef, luncheon meat etc... IBA’T IBANG SAKIT NA MAAARING MAKUHA SA MADALAS N

  • Jersey Sanchez
  • Feb 10, 2019
  • 2 min read

No Problem

MARAMI sa atin ang na­kahiligan na ang pagkain ng processed food dahil bukod sa madali itong lutuin, eh, con­venient din itong bilhin. Pero, naisip ba ninyo kung paano ito nakaaapekto sa ating pa­nga­ngatawan? Hmmm… kung hindi pa, beshy, narito ang 6 na epekto sa ating ka­tawan nang madalas na pagkain ng pro­cessed food:

1. CAN CAUSE DI­GES­TIVE ISSUES. Ayon sa mga eksperto, ang processed foods ay naglalaman umano ng kemikal at additives na matagal ma-digest at ma-processed sa katawan. Ga­yundin, ang additives ay toxic umano sa microbiome o good bacteria sa katawan ng indibid­wal.

2. CAUSES FATIGUE AND BRAIN FOG. Ang indi­bidwal na madalas kumain ng processed foods ay may mataas na tsansa na magkaroon ng brain fog at fatigue dahil sa umano’y kakulangan nito sa importanteng mga vitamin, mineral at antioxi­dant. Ang mga nabanggit na sustansiya ay kailangan para ma-boost ang energy at brain clarity nang sa gayun ay mas madaling makapagpokus at makatapos ng mga gawain ang indibidwal.

3. LOWER BLOOD SU­GAR. Hindi maitatanggi na nag­kokontamina ng carbohydrates ang ilang processed food. Kaya, sey ng experts, ang pagkain ng kahit kaunting carbohydrates ay nagiging sanhi ng pagtaas ng blood sugar. Upang bumaba ito, ang insulin ay inire-released kung saan ito ang nagiging sanhi nang mabilis na pagbaba ng blood sugar. Nagdudulot din umano ito ng panghihina, pagkagutom at pagke-crave sa mga pagkaing may carbohydrates.

4. LESS DISCIPLINE IN EATING. Ayon sa mga eksper­to, ang processed foods ay “hyper pleasurable” kung saan sa bawat pagkain nito ay nakaku­kuha umano ng positive reward response ang indibidwal. Saman­tala, karamihan sa processed food ay naglalaman ng sweete­ners at fats, gayundin ang iba’t ibang texture na nakadaragdag sa in­tense pleasure reward. Ang mga ito umano ang dahilan kung bakit patuloy na kumakain ang indi­bidwal kahit pa busog na ito.

5. INCREASES ANXIETY AND MOOD DISOR­DERS. Matatamis at processed foods ang kadalasang hinahanap ng mga taong inaatake ng anxiety dahil sa paniniwalang nakatu­tulong ito upang humupa ang kanilang an­xiety. Pero, ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng mga ito ay naka­daragdag sa antas ng anxiety, gayundin sa iba pang uri ng mood disorders.

Ito ay dahil natatanggal uma­no ng processed food ang suplay ng nutrients tulad ng vita­mins, Omega-3 at mag­nesium kung saan ang mga ito ay maha­laga sa pagpapanatili ng psycho­logical well-being.

6. AFFECTS SLEEPING PATTERN. Ang hindi pagba­lanse ng processed carbs, protein at healthy fats sa katawan ay na­giging sanhi umano ng pagtaas ng adrenaline, gayundin, sa pagkain ng sweets sa gabi kung saan ang natural pattern ng serotonin ay na­kaaapekto sa sleeping pattern.

Ayon sa mga eks­perto, hindi masama ang kumain ng pro­cessed food, basta lilimitahan la­mang ito. Mahalaga umano na mas maraming natural na sustan­siya ang nai-intake natin kaysa sa processed na mga pagkain.

Have a healthy life­style!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page