Salvage victim natagpuan
- Pabs Hernandez III
- Feb 10, 2019
- 1 min read
ABRA—Isang hindi kilalang lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan, kamakalawa sa Bgy. Bangbangar, Bangued sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakasuot ng berdeng t-shirt, itim na short pants at may tattoo sa dibdib na “Ceasar”.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may mga tama ng saksak sa katawan.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala ang biktima at pagkatao ng mga salarin.





Comments