top of page

Kaya raw nagsama na sila… MATTEO, UMAMING MAS MAHAL SI SARAH KESA SA DOS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2019
  • 3 min read

PUMIRMA na nga ng management contract si Matteo Guidicelli sa Viva Artists Agency (VAA) last Friday at umalis na siya sa poder ng Star Magic na 8 years din niyang naging management.

Aminado naman si Matteo na malaking factor talaga ang girlfriend na si Sarah Geronimo sa kanyang paglipat at talagang pinag-usapan daw nila ito.

“Before the year ended last year,” kuwento ni Matteo nang makausap namin sa Viva Office just before the contract signing, “we’ve had several meetings with my previous manager and I was having discussions with Sarah also.

“We felt like it’s time that we be in one boat together, one ship together, for our future together.”

Nang makausap daw niya ang Viva big boss na si Vic del Rosario ay naging very supportive naman ito. Inilatag daw nito ang plano at pareho silang nagdesisyon ni Sarah that this is the best place for him.

“I think, this is one of the best decisions that I’ve decided to make, not just me but my family also,” he said.

Ang biro nga ng press sa kanya, mas mahal niya si Sarah kaya siya nandito ngayon sa Viva at kaagad niyang sagot, “Totoo naman,” sabay tawa.

“Hindi, mahal ko rin sila (his Star Magic family), especially my handler, Tita Cris Navarro, all the RMS (road managers) doon, mahal na mahal ko sila. “Pero totoo naman, mas mahal ko si Sarah,” sabi pa ulit ni Matteo sabay tawa.

At siyempre, sa paglipat niya ay marami na ang umaasa na mapanood silang magkasama sa isang pelikula ni Sarah.

“Sabihin natin sa manager,” natatawang sey ng aktor. “We’ll see, we’ll see.”

Sa ngayon ay mag-uusap pa raw sila ulit ni Boss Vic kung anu-ano ang mga projects na uunahin or gagawin, pero excited daw siya talaga na mag-concentrate rin sa music. He’ll be doing an album at gusto nga raw niya sana ay mauna na ito.

Hindi naman nakalimot ang aktor na magpasalamat sa Star Magic na 8 years din niyang naging management.

“I’m very, very thankful for everything, from the start, from the first day na tinawagan ako ni Tita Mariole (Alberto of Star Magic) na ibinigay nila sa akin ‘yung Agua Bendita at lahat-lahat.

“You know, it wasn’t an easy decision but it was something very important for myself, as an individual kumbaga. So, nagpapasalamat ako sa Star Magic talaga for all the efforts, all their love, all their support. And without them, I wouldn’t be here also,” sabi ni Matteo.

When asked kung may plano na ba sila ni Sarah to settle down, nakangiting sabi ni Matteo, “Hopefully, hopefully, you know, that’s the long term dream goal and hopefully one day, we’ll see.”

Napag-usapan nga na nagkaroon ng isyung nag-propose na siya kay Sarah at sey ni Matteo, nagulat din siya.

“‘Yung may singsing yata siya or something,” sey ng aktor at nilinaw na hindi siya ang nagbigay ng ring na ‘yun.

“It’s too small,” sey niya sabay tawa at binawi rin naman niya by saying na joke lang ‘yun.

Naitanong din kung ano ba ang Valentine plans nila at hindi pa ito masabi ni Matteo dahil biro niya, iba-block-off muna niya ang schedule ng girlfriend ngayong nasa isang management na sila.

Sana nga raw ay walang schedule si Sarah, pero siyempre, ayaw niyang sabihin kung paano nila ito ipagdiriwang.

“Kapag sinabi ko, hindi na surprise,” natatawa niyang sabi.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page