top of page

1936, 1948,1960,1972,1984, 1996 at 2008... MGA KATANGIAN AT KAPALARAN NG MGA IPINANGANAK SA YEAR OF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2019
  • 3 min read

SA pagkakataong ito, ang mga pangu­nahing katangian at kapalaran ng Animal Sign na Daga o Rat ang ating tatalakayin.

Tandaang, ikaw ay mapabibilang sa Year of the Rat kung ikaw ay isinilang noong 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996 at 2008.

Ang Year of the Rat ay pinaghaharian ng im­pluwensiya ng planetang Jupiter at sa Western Astrology, ang Year of the Rat ay siya ring ku­makatawan sa zodiac sign na Sagittarius.

Walang gaanong sagabal sa tinatahak na pangarap ang Daga. Sa katunayan, ang Daga ang unang nakarating sa palasyo ni Lord Buddha nang ipatawag nito ang mga hayop, sinasabing bukod sa energetic at napakasigla, ang Daga ay kilala rin sa pagiging matalino at optimista.

Ibig sabihin, palagi silang nakatanaw sa ma­gaganda at masasayang bahagi ng buhay, kaya naman naoobliga tuloy ang langit na sila ay bigyan ng suwerte at magagandang kapalaran.

Bukod sa masayahin ang mga Daga, mahilig din silang makipagkaibigan at gustung-gusto nilang niyayaya sila ng kanilang mga kaibigan sa galaan at lakaran, lalo na sa pamamasyal at pagsa-shopping.

Nakatutuwa namang isipin na kahit pa mag-shopping nang mag-shopping ang mga Daga at mamili ng mga bagay na walang kabuluhan na nagiging kalat lang sa bahay, tila pinagpapala ta­laga sila ng langit at sinusuwerte dahil naka­pagtatakang hindi sila nauubusan ng pera.

Dahil mahilig silang mag-shopping, iisipin ninyong gastador sila, pero nagkakamali kayo dahil ang mga Daga ay may pagkakuripot at sob­rang mapagmahal sa pera.

Kaya lang sila nawiwiling mag-shopping ay dahil ‘yun ang passion nila, pero kapag inutangan o hiniraman mo sila ng pera, kahit kaibigang matalik ka pa nila, malabo kang makautang o makahiram.

Sabagay, mauunawaan mo naman ang mga Daga kung bakit sila labis na nagpapahalaga sa salaping hawak nila. Dahil ang totoo, alam nila ang value o hirap kung paano kitain ang pera, kaya kapag hawak na nila ito, sadya at talagang nahihi­rapan silang ilabas ang nasabing kinitang pera lalo na sa mga ma­ngungutang na hindi naman marunong magba­yad.

Batid din ng mga Daga ang tunay na ka­hulugan ng maraming pera na naipon. Alam nilang ang pera ay katumbas din ng salitang “security”, kaya kapag maraming naipong pera ang Daga, payapang-payapa ang buhay nila.

Dahil sa ugaling ito ng mga Daga, mahusay humawak ng pera, praktikal, medyo kuripot at may pagkamateryoso, karamihan sa kanila ay yumayaman at habang nagkakaedad o tumatanda ay payaman pa sila nang payaman.

Dagdag pa rito, kilala rin ang mga Daga sa pagiging ambisyoso at may mataas na pangarap na kadalasan dahil sa kanilang kasipagan at ang­king katusuhan na hinaluan pa ng likas na pagi­ging masuwerte sa taglay nilang ruling planet na Jupiter, madali nilang naaabot ang kanilang ambisyon at mga pangarap sa buhay na ang kali­mitang nangyayari ay kinaiinggitan tuloy sila ng kanilang mga kaibigan, kasama at maging ng kanilang mga kamag-anak.

Subalit, hindi alam ng marami na kahit na gaano kataas at kayaman ang Daga, sa kaibuturan ng kanilang puso, hangad pa rin nilang tumu­long sa kanilang kapwa, lalo na sa mga mahi­hirap.

Kaya naman dumarating ang punto sa buhay ng Daga na lumalabas siya sa kanyang lungga upang magbahagi ng kanyang suwerte o kaya ay magsagawa ng charitable deeds sa mga taong labis na nangangailangan at walang maaasahan.

Sa madaling salita, mababait ang mga Daga lalo na sa mga taong napapamahal na sa kanila.

Maawain din ang mga Daga lalo na sa mga taong alam nilang wala ng ibang maaasahan sa buhay tulad ng mga batang iniwanan ng kanilang mga magulang kung saan-saan mga matatan­­dang pakalat-kalat sa kalye, sa mga pulubi at gusgu­sing namamalimos.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page