‘Ika nga, move-on, move-on din, besh! TIPS PARA SA MGA SAWI NGAYONG, VALENTINE’S DAY
- BULGAR

- Feb 10, 2019
- 2 min read

BAKIT kaya ganu’n, kung kailan malapit na ang Valentine, eh, saka pa nagkakalabuan ang magkasintahan? ‘Yung hindi mo alam kung nagtitipid lang o talagang sawa na. Hu-hu-hu! Pero, kahit ganu’n, oks lang ‘yan mga, bessy dahil narito ang ilang tips para ma-survive mo ang Valentine’s Day kahit broken-hearted ka:
1. ACCEPT. Totoo ‘yung sinasabi ng karamihan na “acceptance is the key”, kaya kung tanggap mo ng hiwalay na kayo, bessy, huwag ka nang magmukmok at magpaka-bitter diyan.
2. FORGIVE. Alam nating mahirap magpatawad, pero kung ito ang isa sa mga paraan para mabilis kang maka-mu-move on, eh, gawin mo para dehins ka maging malungkot at masabihan ng sawi sa pag-ibig.
3. TURN THE PAGE. Huwag mong isarado ang libro ng iyong buhay, bagkus, ilipat mo lang ang pahina kung saan makikita mong mas maganda pala munang mabuhay nang mag-isa at walang inaasahan, for sure, marami kang matutunan.
4. DON’T RUSH THINGS. Lahat ng bagay sa mundo ay ginagawa, step- by-step, kaya huwag kang magmadaling kalimutan siya. Always remember na mas mabilis kang makamu-move on kung palagi mo siyang iisipin dahil mare-realized mo na wala na pala siyang pakialam sa iyo. Saklap, ‘di ba?
5. LOOK FORWARD. Tingnan natin ang future kung saan kahit may mga nang-iiwan,eh, dedma lang dahil ganu’n naman talaga ang buhay. May darating, may mawawala, pero sa huli worth it naman ang lahat.
Hindi madaling mag-move on, pero kung gugustuhin mo, eh, tiyak na magagawa mo ito.
Pero, ang payo natin sa mga nasa relasyon ngayon, kung ayaw ninyong magsisi sa huli, eh, pakinggan n’yo muna ang kantang sikat na sikat ngayon na may lyrics na “madaling sabihin na ayaw mo na, pero pinagisipan mo ba”? Hmmm…




Comments