Todo-palusot pa sa padir… LUIS, NAKATIKIM KAY EDU SA PAGPATOL SA MGA BASHERS
- BULGAR

- Feb 9, 2019
- 1 min read

AWARE si Edu Manzano na “patola” ang anak na si Luis Manzano sa mga bashers, lalo na sa mga naninira sa GF nitong si Jessy Mendiola.
Pero, tinatawagan naman niya agad ang anak kapag may mga nababasa siyang comments na pinapatulan nito ang mga bashers.
Sey naman daw ni Luis, hindi naman nito masyadong sineseryoso ang mga bashers nila ni Jessy.
Well, sana ay mamana ni Luis ang pagiging cool and confident ng kanyang Daddy Edu at pagiging sweet ng kanyang mom na si Cong. Vilma Santos-Recto.





Comments