top of page

Kahalagahan ng pagpapabakuna kontra tigdas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 9, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Mayroon akong 3 anak at napabakuna­han ko silang lahat laban sa tigdas. Kaya hindi ako nag-aala­lang mahawahan sila. Gusto kong malaman kung ano ‘yung tina­tawag na tigdas-hangin, iba pa ba ito sa karaniwang tigdas o measles? Anu-ano ang mga sintomas nito? — Jane

Sagot

Ang tigdas ay naha­ha­ti sa dalawang uri. Ang una ay kilala sa tigdas o measles. Ito ang uri ng tigdas na ma­panganib dahil maaari itong mauwi sa pneumonia o encephalitis — sakit na kapag napaba­yaan ay nakama­matay.

Ang karaniwang sin­tomas nito ay ubo, sipon at lagnat. Sinusundan ng paglitaw ng rashes o pantal at butlig sa buong katawan. Ang uring ito ng tigdas ay nagmula sa rubella virus.

Nakahahawa ba ang tigdas?

Nakahahawa ang tigdas na dala ng rubella virus. Mapanganib ito dahil kaya nitong maka­hawa sa pamamagitan ng hangin na tumatagal ng hanggang dalawang oras. Ibig sabihin, ang lugar kung saan nanatili ang taong may tigdas ay maaaring mapagkuhanan ng tigdas kahit hindi nahawakan, nakausap o nakita ang pasyente.

Ang ikalawang uri ng tigdas ay tinatawag na tigdas-hangin o German measles. Nakahahawa rin ito subalit, mas mahina kumpara sa karaniwang tigdas. Madalas itong naipapasa sa pamama­gitan ng pag-ubo.

Nakahahawa man ay tumatagal lamang ito ng hanggang tatlong araw bago mawala.

Narito ang mga sintomas ng tigdas-hangin:

  • Mataas na lagnat

  • Masakit na lalamu­nan

  • Rashes na nagsisi­mu­la sa mukha at unti-unting kumakalat sa buong katawan

Wala pang gamot sa tigdas. Maaari lamang itong maiwasan sa tu­long ng pagpapabakuna.

Narito ang mga dapat gawin para hindi lumala ang tigdas:

  • Pagsuotin ng kom­portableng damit ang pasyente upang maging presko ang pakiramdam nito, lalo na kapag nilalagnat.

  • Uminom ng mara­ming tubig upang mapa­li­tan ang tubig na nawa­wala sanhi ng mataas na temperature at upang maiwasan ang dehydration.

  • Kumain ng mga masusustansiyang pagkain.

Paano makaiiwas sa tigdas?

Ang bakuna laban sa tigdas ay pang­habambuhay na protek­siyon. Iniaalok ito sa mga ospital at klinika bilang bahagi ng awareness program ng health centers. Iilan lamang sa mga nabakunahan ang nakararanas ng side-effect na hindi dapat ikabahala. Kadalasan, ito ay nagbubunga ng mababang lagnat o ilang rashes na hindi nagta­ta­gal at nawawala rin makalipas ang ilang oras o araw.

Kung napalapit na­man sa taong may tigdas ang taong wala pang bakuna laban dito, may dalawang bagay na maaaring gawin. Maaaring agapan ito sa pamamagitan ng agarang pagpapabakuna sa loob ng hindi lalampas sa 72 oras pagkatapos mapalapit sa may sakit. Kung ang virus naman ay nakapasok na sa katawan, ang pagpa­pabakuna ay magdudu­lot naman ng pagpapa­ikli at pagpapahina ng epekto ng tigdas sa katawan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page