Para makapanigarilyo | LEGAL SMOKING AGE, ITATAAS SA 100
- Jersey Sanchez
- Feb 8, 2019
- 1 min read
PLANO ng pamahalaan sa Hawaii na itaas sa edad 100 ang legal age para manigarilyo sa bansa.
Inihain ni local Democratic Representative Richard Creagan ang panukalang-batas na balak ipatutupad sa 2024.
Gayunman, kapag naipatupad na ang naturang batas, ipagbabawal na ang pagbebenta ng sigarilyo sa mga indibidwal na nasa edad 99 pababa.
Mahigpit nang ipinaiiral ang batas sa Hawaii laban sa paninigarilyo ngunit, nais pa rin ni Creagan na lalo pang higpitan ang batas.
Sa kanyang panukala, sa 2020, itataas sa edad 30 ang buying-age ng sigarilyo, edad 40 sa 2021, edad 50 sa 2022, edad 60 sa 2023 at edad 100 sa 2024.





Comments