Nasobrahan, katawan bumigay… CAREER NI DEREK, TAGILID DAHIL SA SAKIT


KUNG hindi pa na-injured si Derek Ramsay sa sobrang training niya sa frisbee, hindi pa siya makakaisip na mag-slow down sa kanyang mga physical activities.
Sobra ang pagiging health buff ni Derek na gusto ay lagi siyang fit bilang athlete. Nag-training na siya sa basketball upang makasali sa Maharlika Pilipinas Basketball League. Pangarap din niyang maging professional golf player, kaya panay ang training niya.
Bukod sa frisbee, gusto rin niyang sumabak sa iba pang sports. Gusto niyang maging perfect athlete, pero hindi niya naiisip ang sobrang pahirap nito sa kanyang katawan. Bumibigay din ang mga body muscles kapag nasosobrahan!
At ngayon, apektado na ang career ni Derek dahil hindi pa siya puwedeng sumabak sa shooting or teyping. Naghihintay na kay Derek ang GMA Network. May mga projects na silang inilatag sa aktor na sisimulan kapag pumirma na siya ng kontrata. Nagpapagaling pa si Derek ng kanyang injury, pero excited na siyang maging Kapuso!





Comments