Mangingisda tiklo sa boga
Pabs Hernandez III
Feb 8, 2019
1 min read
ZAMBOANGA SIBUGAY—Isang mangingisda ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa Bgy. Silal, Payao sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Gerald Angeles, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na isang kalibre .45 pistola at mga bala ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Angeles na nahaharap sa kasong paglabag sa election gun ban at illegal possession of firearm and ammunitions.





Comments