Bebot nalunod sa ilog
Pabs Hernandez III
Feb 8, 2019
1 min read
ILOCOS NORTE—Isang dalaga ang namatay nang malunod, kamakalawa sa ilog na sakop ng Batac City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Divina Pascua, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na naliligo si Pascua, kasama ang dalawa nitong kapatid nang mapagawi ito sa malalim na bahagi ng ilog kaya nalunod ang biktima.
Agad sumaklolo ang mga residente, pero bangkay na nang maiahon sa ilog ang biktima.





Comments