top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

AlDub fans, pinasasakay na lang… MAINE, SI ARJO NA ANG LABS, TODO-PA-CUTE PA RIN KAY ALDEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 8, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KAHIT na nilinaw na ng aktor na si Arjo Atayde na hindi niya official Facebook account ang nag-post ng litrato nila ni Maine Mendoza na mag­kasama umanong nag-date, gra­be pa rin ang pamba-bash na na­tatanggap ng aktor mula sa mga AlDub fans na umaayaw sa ka­nilang relas­yon ng Dubsmash Queen.

Makikita kasi sa kumalat na litrato na pareho silang may hawak na toy gun ni Maine at may kasama pang isang babae, na ipinost sa Facebook fan page na may pangalan na Arjo Atayde nu’ng Miyerkules nang gabi (February 6).

Kasunod ng pag-amin ng aktor sa kanilang relasyon ni Maine, ikinanta naman ng nanay niyang si Sylvia Sanchez ang mga pagbabanta ng AlDub fans sa buhay nila. Pero kahit na ipi­nag­sigawan na ng ina ng aktor noong nakaraang linggo na tigilan na ng mga bashers ang kanyang anak ay pinutakti pa rin ng mga haters ang comment section ng post na ito.

May mga bashers na nagsabing tila iniinis ng page ang AlDub fans kaya nito ipinost ang litrato nina Arjo at Maine na magkasama.

Dahil marami ang nag-aka­lang si Arjo ang nag-post, ilang neti­zens ang nagsabi na tanggap na nila na si Arjo na ang nasa puso ni Yaya Dub, kaya nakiusap sila sa aktor na ‘wag munang mag-post ng litrato nila ni Maine dahil hindi pa raw sila nakaka-move on sa tambalang AlDub.

May mga AlDub fans din ang nagtanong kay Arjo kung hindi raw ba siya nahe-hurt dahil siya lang ang nagpo-post ng litrato nilang dalawa at umamin sa totoong relasyon nila ni Maine?

Hirit kasi ng ilan ay sweet na sweet pa rin sina Alden at Maine sa show nilang pinagsasamahan na Eat… Bulaga! at hindi pa rin daw siya maamin ni Maine sa iba.

Marami ang nag-akalang ang aktor na si Arjo Atayde ang nag-post ng litrato dahil verified ng Facebook ang fan page account na ginamit.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page