2 Pinoy, kumpirmadong nasawi sa sunog
KINUMPIRMA na kasama sa mga nasawi sa nasunog na gusali ang mag-asawang Pinoy sa Paris, France.
Kinilala ng mga kaanak ng mag-asawa na sina Francisco at Cresencia Abalos mula sa Pangasinan na pawang nakatira sa ikawalong palapag ng gusali.
Samantala, ang isa pang Pinoy na si Norma Batara at pamangkin na si Sherilyn Batag ay nakatira sa ikatlong palapag na pawang nakaligtas sa insidente.
Matatandaang, naganap ang sunog sa building kung saan 10 ang nasawi at 30 ang sugatan.





Comments