top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tumama sa lotto

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Filipinas ng Filipinas_Fajarda_Ichou@ facebook.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin kapag ‘yung kaibigan mo, eh, nanaginip na tumama ka sa lotto?

Bakit ang kaibigan ko ang nanaginip para sa akin?

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Filipinas

Sa iyo Filipinas,

Hindi nakapagtataka kung hihilingin ng ating mga kaibigan na sumaya at gu­manda ang buhay natin.

Ito ang numero-unong kahulugan ng panaginip ng iyong kaibigan.

Bakit kaya, ano ang ta­lagang dahilan?

Sinasabing ang ating mga kaibigan ang tunay na na­kakikilala sa atin. Minsan pa nga, mas kilala nila tayo kay­sa sa pagkakakilala natin sa ating sarili. Madalas na mas alam nila ang ating ka­ilangan at kagustuhan kaysa sa ating boyfriend o girl­friend.

Alam ng kaibigan mo kung ano ang panganga­ila­ngan mo at ayon sa kanyang panaginip ang kailangan mo ay ang manalo sa lotto.

Siguro, sasabihin mo, hin­di ka naman naniniwala sa lotto, maaaring idagdag mo pa na raket lang naman ito ng mga tao. Anuman ang paniniwala mo, hindi ito ma­halaga dahil ang kaibigan mo ang nanaginip at hindi naman ikaw.

Siguro sasabihin mo, eh, paano mangyayari ang ga­nu’n, eh, hindi ka naman tu­mataya sa lotto? Wala pa rin itong epekto sa panaginip ng kaibigan mo dahil dito sa mundo, kahit hindi ka su­mali sa mga aktibidad ng mga tao, puwede ka pa ring manalo.

May binatang, mara­ming napupusuan, pero dapat, isa lang ang mahalin niya at makasalo sa bunga ng kanyang tagumpay. Sa ganitong kalagayan, hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya dahil ang kan­­yang mga napupusuan ay karapat-dapat lahat.

Ang ginawa niya, ku­muha siya ng baso at papel at sa papel ay isinulat niya ang mga pangalan ng kan­yang mga napupusuan at sa bawat pangalan ay nilagyan niya ito ng “puso” habang ang mga papel ay inilagay niya sa loob ng baso at pag­bilang niya ng tatlo ay bu­bunot siya rito at kung sino ang mabunot niya, ‘yun ang aalayan niya ng dalisay, wa­gas at malinis na pagma­mahal.

Sabi pa niya, kung sino ang mabunot niya, ibibili niya ito ng diamond ring at iba pang magagandang regalo.

Bago siya bumunot, nag­dasal muna siya at sinabing, “Lord, ipinauubaya ko sa iyo ang kapalaran ko.”

Pagkatapos niyang bu­milang ay bumunot na siya.

Sino kaya ang nabunot niya? Sino ang nanalo sa “lottery of the hearts?” Ang pangalan ng masuwerteng nabunot ay “Filipinas”!

Ito ang kahilingan ng ka­ibigan mo, gusto niya na ang mapangasawa mo ay matinong lalaki, respon­sable, may pangarap at ma­yaman.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page