top of page
Pokwang.jpg

Paglabas ng kulungan, 'di balik-Kapuso... BONG, PASOK SA DOS

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2019
2 min read

LAST Tuesday, kasabay ng Chinese New Year, masa­yang humarap sa entertainment press si dating Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. para ibahagi ang lungkot at sayang pinagdaraanan sa ngayon pagka­tapos ma-acquit at palayain ng Sandigan­bayan sa kasong plunder na pinagdusahan niya sa PNP Custodial Center nang mahigit na apat na taon.

“Masaya dahil nakakasama ko na ang mga mahal ko sa buhay. Malungkot dahil meron pa ring mga... (kalaban),” bungad niya.

Sa nasabing thanksgiving presscon ni Bong, naglabas ito ng sama ng loob laban sa mga bashers na hindi pa nakaka-move on mula nang siya’y lumaya. May mangilan-ngilan pa rin daw na patuloy na nambu-bully sa kanya.

Nasa chill mood si Sen. Bong at nagbirong, “Anak ng Teteng. Nagsalita na ang korte. Na-acquit na ako, pina­laya na ako. Tama na,” sabay pakiusap sa mga patuloy pa ring idina-down siya.

Isa sa mga bullying na nabanggit ni Bong ay ang pagpapasoli sa kanya nang milyones sa kaban ng bayan na pinalagan ng aktor-pulitiko dahil wala sa katwiran.

Muli niyang sagot, “Korte na ang nagsalita na wala akong tinanggap na pera. Ano’ng isosoli ko? Kung meron, eh, di ibalik n’yo ‘ko sa kulungan,” hamon pa niya.

Dagdag pa ni Bong, pinagdusahan na niya nang apat na taon at anim na buwan ang kasong isinampa laban sa kanya ng pinaniniwala­ang mga kalaban niya sa pulitika.

“Hindi biru-biro ang pinagdaanan ko at masakit sa gaya ko na mabilanggo nang four years and six months, malayo sa pamilya at mahal sa buhay,” sey pa ng dating senador.

Sa halos dalawang buwan after nitong ma-acquit at lumabas ng PNP Custodial Center, unti-unti na raw nagiging normal ang kanyang pakiramdam, ‘di gaya nu’ng nakaraang unang buwan (December, 2018) na hirap pa siyang mag-adjust.

Aniya, bilang konsuwelo, nakakawala raw ng pagod ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanya saanman siya bumisita.

“Anywhere I go, kahit saanman sa NCR, sa Tondo, sa mga probinsiyang napuntahan ko (Cebu, Davao, Pangasinan, Ilocos at iba pa), ‘yung mga tao, nagsisi­gawan, ‘Mahal ka namin, Bong!’ Du’n pa lang, nakakawala na ng pagod,” aniya.

Kaugnay nito, sa latest survey ng SWS, nasa top 7 ng mga senatoriables si Bong. Ang kanya namang buddy-buddy sa loob ng PNP Custodial Center na si Sen. Jing­goy Estrada ay nasa top 10 to 11 ranking, to think na naunang nakalabas ng kulungan si Jinggoy kesa sa kanya.

“Wala sa akin ang survey kung sinuman ang una sa aming dalawa. Ang dalangin ko lang, makasama kaming dalawa ni Jinggoy,” sabi ni Bong na humirit na ‘wag na silang intrigahing magkaibigan.

Sa ngayo’y babalikan daw ni Bong ang showbiz.

“Showbiz kasi ang first love ko, ang priority ko,” aniya at may gagawin daw siyang movie na pang-MMFF 2019.

Wala na raw siyang kontrata sa anumang network at aming naitanong kung magri-renew ba siya sa Kapuso na dati niyang home studio.

“May usapan kami sa Star Cinema for a film,” pag-amin ni Bong.

Hindi naman sinabi ni Bong kung ang pagbabalik-TV niya ay sa Kapuso pa rin o may alok din sa kanya ang Kapamilya Network.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page