'Di feel gayahin ang mga kapwa artista… HIRIT NI KC: KASAL MUNA BAGO ANAK!
- BULGAR

- Feb 7, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KUNG may mga artista na talaga namang open sa pagkakaroon ng baby bago ang kasal, ipinagsigawan naman ng aktres na si KC Concepcion na gusto muna niyang ikasal bago magka-baby.
Nitong Lunes (February 4), nag-post ang aktres sa kanyang social media account ng sweet na sweet na litrato nila ng kanyang French BF na si Pierre Emmanuel Plassart na tila hinahalikan na siya at nilagyan ito ni KC ng caption na: “It sure does feel like February... Happy Valentines month, beautiful people!”
Sa comment section ay may isang netizen na nag-comment at sinabing siguradong magiging maganda raw ang anak nina KC at Pierre Emmanuel.
Sumagot naman si KC na sana ay magkatotoo ang komento ng netizen, pero nilinaw niyang kasal muna bago magka-baby ang plano niya sa pagbuo ng pamilya.
Aniya, “In Jesus name, Amen haha. Well… Wala pa naman. Kasal kasi first before kids for me.”
Gayunman, aprubado na at excited na excited na si Megastar Sharon Cuneta kung magkakaroon na ng anak ang kanyang panganay na si KC.





Comments