top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malinaw ayon sa palad... LALAKING NAKATAKDANG MAKAPAG-ABROAD SA SUSUNOD NA TAONG 2020

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 6, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Nag-a-apply ako sa abroad ngayon at ang bu­ong akala ko ay makaa­alis na ako, pero may mga papeles pa pala akong kulang.

  2. Naisipan kong su­mangguni sa inyo, Maes­tro, upang itanong kung pagkatapos kaya ng pag­subok na ito at halimba­wang naayos ko na ‘yung mga kulang kong papeles, may tsansa pa kaya na makapag-abroad ako?

  3. Paalis na ‘yung bar­ko na sasakyan ko sa March, kaya kapag hindi ko naihabol ‘yung kulang kong papeles, baka hindi na ako matuloy, maghi­hintay na naman ako ng isang taon.

  4. Ano ang kapalaran ko at kailan ako ma­kapa­ngingibang-bansa?

KASAGUTAN

  1. Bahagyang pagkaan­tala lamang ang nais sabihin ng Guhit ng Maliit na Had­lang (d-d arrow a.) na medyo krumokes sa maaliwalas, ma­haba at makapal na Tra­vel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ibig sabihin, Willy, pan­samantala lang ang had­lang sa iyong pag-a-abroad sa kasalukuyan, tulad ng iyong problema, maaayos din ang mga papeles mo upang pagkatapos nito sa susunod na taong 2020, may pangako pa rin ng isang ma­bunga at mabiyayang pangi­ngibang-bansa sa iyo.

  3. Ang pag-aanalisang hindi ka dapat labis na ma­lungkot dahil makapag-a-abroad ka naman, pero hindi nga lang ngayon ay madali namang kinumpirma ng iyong lagda na hindi pa mas­yadong maganda at malinaw sa simula at gitnang bahagi, pero nang nasa gitna na ang iyong pagsulat ay tuluy-tu­loy na itong naayos at gu­manda.

  4. Ibig sabihin, nasasa­gap na ng unconscious mong isipan na hindi ka pa ngayon makapag-a-abroad kundi sa susunod pang taong 2020 at tulad ng nasabi na, asahan mo na sa panahong ‘yun, ma­raranasan mo na rin sa wakas ang isang mabunga at ma­bi­yayang pangingibang-bansa.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Tandaang, may pana­hon ang lahat ng bagay, ang sabi nga sa Bibliya sa aklat ng Ecclesiastes 3:1: “For everything there is a sea­son, and a time for every purpose under the heavens.”

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Willy, ti­yak ang magaganap sa first quarter ng taong 2020, sa buwan ng Enero o kaya ay Pebrero, wala ng hadlang da­hil makasasampa ka na sa barko upang tuluyan ng itala sa iyong kapalaran ang isang mabunga at mabiyayang pa­ngingibang-bansa, sa edad mong 32 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page