Habang hawak-hawak ang tiyan sa video, Coco… JULIA, UMAMIN NANG TWO MONTHS BUNTIS


KALOKA talaga ‘yung news item kung saan kinumpirma na raw ni Julia Montes na buntis nga siya.
Matagal na kasing usap-usapan ito, at lately, nasa Germany ang aktres at nagbabakasyon sa piling ng kanyang biological father.
May mga pictures na lumabas kung saan kalong ni Julia ang isang aso pero para raw may itinatago ito sa isang finger niya na suspetsa ng kanyang mga followers ay engagement ring nila ni Coco Martin.
Siguro, napundi na rin si Julia sa mga bali-balitang ito kaya ayan, sa isang video na kumalat sa social media, makikita ang pag-amin niyang buntis siya kasama pa ang picture kung saan hawak-hawak niya ang tiyan niya at sabi niyang parang balewala lang, “Ano na ‘to, mga two months.”
Ang pinaka-punchline ng kanyang statement ay, “Dahil ito sa lasagna. Paborito ko kasing kainin ito.”
For sure, natuto na rin ang young actress on how to handle the persistent rumors. Useless nga namang mag-deny kung paulit-ulit na ang mga kumakalat na balita. So, naki-ride-on na lang ito sa tsismis about her.
‘Di nga ba’t laughter is the best medicine?! She treated all these rumors as a joke, eh, di nakapagpasaya pa nga naman siya ng ibang tao.





Comments